
IPINABALIK ng Department of Education (DepEd) sa 54 na pribadong paaralan ang siningil para sa Senior High School Voucher Program (SHS-VP) dahil sa mga iregularidad.
Ang hininging refund ng kagawaran ay para sa School Years 2021-2022 at 2022-2023.
Sa pahayag ng DepEd, 38 na paaralan ang nagsoli na ng siningil sa naturang programa, may dalawa ang may “partial refund” at 14 naman ang hindi ba tumatalima sa kagawaran.
Sa ngayon, umabot na sa P65 milyon na ang nabawi ng DepEd.
Nabatid na sa School Year 2023-2024 may 12 na paaralan ang iniimbestigahan ng DepEd – Investigation Division at may tatlong iba pa ang iimbestigahan ng National Bureau of Investigation.
Nakikipag-ugnayan na ang DepEd sa Private Education Assistance Committee para hindi na maulit ang mga anomalya sa pagpapatupad ng programa.