
Stock image
KAPAG “Bebe” ang tawag ng isang Human Resource Department (HRD) officer sa isang empleyado ng kanilang kumpanya, ibig sabihin ba magdyowa na sila?
Kaloka! Yan ang tanong ng isang babaeng netizen matapos mabuking ang pagiging sweet ng kanyang asawa at ng kanilang HR officer sa pinapasukang company.
Naguguluhan daw siya at itinatanong sa sarili kung valid daw ang nararamdamang niyang pagseselos at pagdududa sa kanyang mister.
“Hello admin, sana ma approve po itong post ko. pls hide my identity po Kasi marami akong kakilala dito.
“Gusto ko lang po humingi Ng opinyon, kung valid ba itong nararamdaman ko. 9yrs in a relationship 2yrs married. We have 2kids po at ldr kami ni hubby. Nasa Luzon sya ako nasa Mindanao,” ang simulang bahagi ng letter ni misis sa Facebook page na Peso Sense.
“Year 2019-2020 Bago kami ikasal nagloko po yun sakin Ang husband ko. Pero nagpakasal parin ako kasi dalawa na anak namin. At good provider din po sya.
“Kaso nitong mga nakaraan, normal ba na tawagin nyang bebe ang HR nila?” ang tanong ng anonymous letter sender sa mga readers.
Patuloy pa niyang kuwento, “Saka aware po sya na makikita ko yun, nagbibiruan po sila sa GC sabi ng mga ibang manager liligawan Yung HR pero Ang sagot Ng HR Kay ano na daw sya. Naka mention Yung pangalan Ng husband ko.
“Nagseselos ako, iba ang kutob ko sa totoo lang. Parang bumabalik lahat sakin. Kinonfront ko na asawa ko pero sabi nya Wala daw malisya Yun.
“At sa tuwing sasahod sya may pang snacks 800 ang HR nila,” revelation pa ni Ate Gurl.
Pagpapatuloy pa niya, “Maganda po sya. Ako, Minsan lang makapag ayos Kasi busy sa mga bata. Di Rin ako Marunong mag skin care oh kahit Anong arte. Pero di namn din po ako pangit.
“Hndi ako Maka react ng Todo sa kanya Kasi mag aaway lang kami. Wala din akong mapagsabihan. Kaya dito ko nlang nilabas ang saloobin ko. Salamat po,” ang sumbong pa ni misis.
In fairness, marami ang nagpayo kay wifey tungkol sa kanyang feelings.
“Gumanti ka, tawagin mo namang ‘papi’ ung taga reading ng electric meter nyo, then ‘cupcake’ ung taga deliver ng online orders mo…look at your hubby’s reactions…it’s a tie.”
“Screen shot mo chat nila then send mo sa mr or fam ni hr!”
“Ay alam na! Uso talaga mga ganyan sa mga company, may mga haliparot talaga na babae kahit alam ng kasal yung mga kalandian. Madami din talagang workmates din na tinotolerate mga ganyan kahit aware naman sila na married or may family na yung mga katrabaho. Valid yan sis! Galaw galaw.”
“Bakit di mo sinabi na. Kung ako kaya makipag chat at tawagin ko din bebe. Kapag Hindi mo kamo tinigilan yang babae na yan. Gagawin ko din yang ginagawa mo saken. O mabuti kaya umuwi na lang siya jan sa Mindanao at Jan na din mag hanap Buhay. Ganun. Mag sama sama kayo.”
“Bilang dating HR personnel, it’s a BIG NO for me na tatawagin akong “bebe” ng co-employee ko lalo na kung lalake yan ha. VALID yang nararamdaman mo, sender. Sabihin mo sa asawa mo, tigilan kamo ang pakikipaglandian sa ka-office mate.”
“Valid po. Mahirap na kasi mag tiwala ulit kahit sabihin mong napatawad mo na, iba po kasi ang traumang dulot ng pagloloko, at isa pa di ako naniniwala sa “walang malisya” kuno, galawan nila yan. tsk. tsk.”
“Ang bait mo naman mamsh. Ako kasi nung nagpasama lang yung TL ng mister ko sakanya magkape, tinalakan ko na agad sa chat at sinabi kong pagdi tumigil, irereklamo ko sya mismo sa HR eh. Hahaha!!! Wag maging mabait mashado, bandang huli ikaw ang kawawa. Kelangan as misis, matapang tayong ipaglaban ang pamilya natin.”