Istratehiya ni Bato dela Rosa depende sa galaw ni Bongbong Marcos

Istratehiya ni Bato dela Rosa depende sa galaw ni Bongbong Marcos

Sen. Bato dela Rosa at Pangulong Bongbong Marcos

NAGBAGO siya ng isip dahil nagbago ang isip ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ang sagot ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa nang tanungin ukol sa pagbabago ng isip na ikinukunsidera na ang pagtatago kapag may utos na ang International Criminal Court na hulihin siya.

Ipinunto niya ang pagbabago ng posisyon ni Marcos Jr., kaugnay sa hurisdiksyon ng ICC sa Pilipinas.

Baka Bet Mo: Bato dela Rosa: Kung wala tayong makitang hustisya sa bansa, bakit ka susuko?

Binalikan ng senador ang pangako sa kanya ni Marcos Jr., na hindi hahayaan ang ICC na makapasok sa Pilipinas.

“Dapat flexible ka, huwag kang magpa-fix diyan dahil panahon ng kagipitan ngayon marunong dumiskarte dapat,” sabi ni dela Rosa.

Idinagdag ng senador na susuko lamang siya kung ang isisilbi sa kanyang warrant of arrest ay mula sa isang korte dito sa bansa.

Samantala, ibinahagi ni dela Rosa na binawi na sa kanya ng pambansang pulisya ang dalawang pulis na itinalaga para pangalagaan siya.

Aniya naiintindihan naman niya ang naging hakbang ng PNP para hindi maipit sa kasalukuyang sitwasyon.

Read more...