Juday personal na ipinagluluto ng baon si Ryan, kaya hindi nambababae


MULING pinabulaanan ni Ryan Agoncillo na “on the rocks” na ang relasyon nila ni Judy Ann Santos. Sa katunayan, mas naging sweet at thoughtful pa sila sa isa’t isa kahit na may dalawa na silang anak.

Sa presscon ng bagong programa ni Ryan sa GMA 7, ang game show na Picture! Picture! na magsisimula na sa darating na Sabado, siniguro niya na magkasama pa rin sila sa isang bubong at magkasiping pa ring matulong sa isang kama.

“Actually, matagal na nga kaming hindi nagkikita,” natatawang chika ng TV host-actor. “Alam n’yo, walang-wala (marital problems), Diyos ko! We’re doing very well!

Actually, ngayon nga, ang ganda nga noong ano…kasi I started eating clean. “Meaning, kasi, one month towards the race, ayaw mong maging mabigat,” sey pa ni Ryan na ang tinutukoy ay ang sinalihan niyang triathlon race ilang buwan na ang nakararaan.

Naikuwento rin ni Ryan ang pagiging mabuting asawa ni Juday, as in perfect wife raw talaga ang aktres. Araw-araw din daw siya nitong ipinagluluto ng baon, “So, iyong pagkain ko, mino-monitor ko, so she prepared a whole lot of baon for me.

Tapos, may note pa, may love letter pa, e. “So, it’s actually refreshing, kasi hindi naman kami ma-love letter. But lately, iyon, nagla-love letter kami sa isa’t isa, kasi nga medyo busy,” kuwento pa ng TV host.

Isa sa masasabing model showbiz couple ngayon sina Juday at Ryan kaya marami ang nagdarasal na sana’y pang-forever na ang kanilang pagmamahalan.

Pati na rin ang pagiging parents nila kina Yohan at Lucho ay talagang kinaiinggitan ng maraming magulang.
Tinanong din sa presscon ng Picture! Picture! si Ryan kung kailan nila susundan si Lucho, okay na ba sa kanya ang dalawang anak o mas gusto niyang ng maraming bata sa bahay nila?

“Well, it’s not that we’re planning, but it’s not as if we’re not trying.”  Payag naman kaya sila ni Juday na mag-artista rin sina Yohan at Lucho? “When you ask her (Yohan) now, she’ll say she wants to be a singer.

Pero siyempre, ika nga, hindi naman namin mapipigilan iyan, e. “Tsaka sa mga commercials, nakikita niya…tsaka si Mommy nakikita niya, binibihisan, iyon ang konsepto niya ng pagiging artista.

If you ask her, she’d say she wants to. Hindi naman namin pipigilan. Pero tapusin niya iyong mga kailangan niyang tapusin.
“Actually, masaya kami dahil recently ipinagpalit niya iyong weekly singing lessons niya.

Ginusto niyang mag-swimming lessons naman. “Kasi nakikita niya kami ni Mommy, we train every morning, we train with a coach. Naiinggit siya, so gusto niya rin kumuha rin siya ng sarili niyang swimming coach.

“So, we just encourage her kung anuman iyong mga gusto niyang gawin,” mahabang pahayag ni Ryan. Samantala, sa Sabado na nga magsisimula ang bagong game show ng GMA na Picture! Picture!, “This is my first time to do a game show, like a proper game show, with just me as host so medyo doon, nangangapa pa.

It’s very exciting. It’s a very good thing that I have a very good team that I’m working with, the team of Direk Rico Gutierrez. He pretty much got it down to a science. It’s just a matter of seeing how I fit into their framework.”

“Ang Pinoy mahilig sa picture-picture! I’m not sure of the fact, but it was a statistic that almost 80 percent of the photos uploaded on Facebook is from Filipinos.

Instagram, I don’t have the stats but I’m sure we’re major in Instagram, so major tayo sa picture-picture. Sigurado akong malapit ito sa puso natin,” chika pa ng mister ni Juday.

So, watch na kayo ng Picture! Picture! tuwing Sabado sa GMA lang.

( Photo credit to Google )

Read more...