
WALANG bayad ang paggamit ng bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) simula ngayon araw.
Sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng NLEX Corp., simula alas-12 ngayon tanghali ay libre ang toll mula Balintawak hanggang Meycauyan.
Ang libreng toll ay epektibo hanggang hindi nagagamit ang apat na linya ng Marilao northbound.
Noong nakaraang linggo, napinsala ng isang 18-wheeler truck ang Marilao Bridge na nagresulta sa matinding trapiko sa northbound portion.
Gumawa ng paraan ang NLEX Corp. para maibsan ang trapiko at mapabilis ang pagsasaayos ng nasirang tulay.
Unang nanawagan si Transportation Sec. Vince Dizon na huwag munang singilin ng toll ang mga bibiyahe mula Balintawak hanggang Meycauayan habang inaayos ang tulay.
MOST READ
LATEST STORIES