
PHOTO: Instagram/@iamhearte
NAGKAROON ng proud mom moment ang fashion icon na si Heart Evangelista dahil sa kanyang stepson na si Quino na grumaduate ng high school kamakailan lang.
Sa pamamagitan ng Instagram Stories, ipinasilip ni Heart ang ilang ganap sa graduation ceremony sa Xavier School.
Ang caption niya pa sa isang video, “My Quino boy. So proud of you!”
Baka Bet Mo: Heart sa ayaw maniwalang lips lang pinaretoke: Magpapa-X-ray ako!

PHOTO: Instagram Stories/@iamhearte
Kahit si Senador Chiz Escudero ay very proud sa achievement ng anak na makikita sa kanyang Instagram page.
“Congrats anak, Quino! We are proud of you,” wika ng senador.
Napa-comment pa nga riyan ang kapatid ni Heart na si Camille Ongpauco upang batiin si Quino.
Ang sey niya, “Love you Kuya!! Always proud of you.”
Alam naman natin na very supportive at talagang hands-on sa pagiging stepmom si Heart pagdating sa kanyang stepchildren kay Chiz.
Sa katunayan nga noong pandemya, lubos ang pasasalamat ng kambal sa fashion icon dahil ito ang nagsilbing mother figure nilang magkapatid.
Sa isang interview ni Heart last year, inamin niyang masaya siyang laging nandyan para sa kanyang stepchildren.
“I love being there for them,” saad niya.
Kwento niya pa, “I have been in their lives since they were 4; now they’re 16. It’s really fulfilling to see them like that.”
“I’m so happy that we have bonded as a family throughout the years,” dagdag niya.
Aniya pa, “Love isn’t something you force; it has to naturally happen.”