Ang daming kailangang tapusin, pero saan kukuha ng oras? Minsan, gahol na nga sa oras, may mga maliliit na aberya pang kailangang pagtuunan ng atensyon. Magaling mang dumiskarte, may mga paisa-isang gawaing malaking bahagi na pala ng araw ang kinakain na sana’y nailaan na lang sa mas mahalagang bagay.
Isang malaking ginhawa sa pang-araw-araw ang paggamit ng cellphone sa halos lahat ng bagay. Pangtawag sa kamag-anak, pambayad sa mga gastusin online, pang-hanap ng sagot sa internet, pati na ang mga pang-aliw na video o social media. Pero paano kung ang dapat na ginhawa mismo ang naging malaking aberya? Sa mga panahong malapit na maubusan ng load, dagdag pa kung kinulang ka pa ng budget, kailangan pa bang tiyagain na magpalista sa tindahan?
Ngayon, ang sagot ay nasa GCash app nalang.
Hindi na kailangan mag-abala kahit tambak pa ang trabaho dahil sa Borrow Load ng GCash, hawak mo na ang oras mo. Pwede nang magpa-load gamit ang cellphone kahit zero balance or gipit pa sa budget.
Para mas malayo pa ang marating ng araw-araw na tiyaga, narito ang ilan sa mga produktibong gawain na maaring gawin lamang ng limang minuto:
Trabaho at Negosyo
Bilang isang propesyonal o negosyante, mahalaga ang bawat minuto upang magpatuloy ang progreso sa trabaho o negosyo. Maglaan ng limang minuto para ayusin ang pinakamahalagang tasks o i-clear ang mga hindi kinakailangang emails upang mapadali ang proseso. Para sa mga may negosyo, tulad ng sari-sari store, mabilis na pag-check ng mga expired na produkto ay makakatulong upang maiwasan ang pagkalugi at mapanatili ang maayos na operasyon.
Personal na Gawain sa Bahay
Sa kabila ng tambak na schedule, ang limang minutong paglalaan para maglinis at mag-ayos ng iyong bahay o personal na gawain ay malaking bagay sa isang araw. Magtapon ng mga bagay na hindi na kailangan at ayusin ang maliliit na lugar ng iyong bahay, tulad ng drawer o shelf. Mas madaling mapanatiling maayos ang tahanan kapag inuunti-unti ang paglinis nito at maiwasang matambakan ng kalat sa paligid.
Pahinga at Pagrelax
Ang pagpapahinga ay isang mahalagang bahagi ng pagiging produktibo. Ang limang minutong stretching o pag-reset ng iyong katawan at kaisipan ay makakatulong upang mawala ang tensyon at stress sa iyong mga gawain. Ito ay isang malaking hakbang upang maging mas epektibo sa lahat ng iyong ginagawa at mapanatili ang focus sa mga susunod na tasks.
Busy man sa araw-araw na gawain, hindi na kailangan mag-abala para maghanap ng tindahan at magpalista. Sa Borrow Load, pwede nang umutang ng load promo mula sa Globe, Smart, TM, TNT, at DITO, at bayaran ito sa loob ng 14 na araw. Hindi na kailangang lumabas ng bahay!
Madali lang pag-gamit ng Borrow Load:
- Sa iyong GCash app, pindutin ang ‘Load’ at ‘Borrow Load’
- Piliin ang ‘Borrow Mobile Load’ at telco network
- Ilagay ang mga detalye at pindutin ang ‘Next’
- Pumili ng promo at i-confirm and detalye
- Nakapagpaload ka na gamit ang Borrow Load sa GCash
Sa Borrow Load ng GCash, marami pang kayang gawin sa oras mo. Palista ng load? KAYA PALA SA GCASH! Safe at secured ang transactions at mas malayo ang mararating ng araw-araw mong tiyaga with GCash!
ADVT.
This article is brought to you by GCash.