Darryl Yap kinasuhan na ng cyberlibel dahil sa reklamo ni Vic sa ‘Pepsi’ movie

Darryl Yap kinasuhan na ng cyberlibel dahil sa reklamo ni Vic sa 'Pepsi' movie

Darryl Yap, Pepsi Paloma at Vic Sotto

KINASUHAN na ng cyberlibel ang filmmaker na si Darryl Yap kaugnay ng reklamo ni Vic Sotto sa teaser ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Sa resolusyong inilabas ng Muntinlupa Regional Trial Court (RTC), nakitaan ng sapat na basehan ang inihaing kaso ni Vic kaya iniakyat na ito sa husgado mula sa fiscal’s office.

Sa tatlong pahinang dokumento na may petsang March 17, 2025, na pirmado ni Assistant City Prosecutor Elvin Keith Barrios, sinampahan na ng cyberlibel ang direktor.

Ayon sa lumabas sa resolusyon, “The undersigned Assistant City Prosecutor accuses DARRYL RAY SPYKE YAP y BALINGIT of the crime of Libel under Arts. 353 and 355 of the Revised Penal Code, as amended, in relation to violation of Sec.4(c)(4) of R.A. 10175, otherwise known as the Cybercrime Prevention Act of 2012.”

Sabi pa sa resolusyon, isa sa rason kung bakit nakitaan ng probable cause ang reklamo ay dahil sa direktang pagbanggit sa pangalan ni Vic Sotto sa teaser ng pelikula ni Darryl na tumatalakay sa buhay ng yumaong sexy star na si Pepsi Paloma.

Mapapanood sa teaser ng pelikula ang palitan ng dialogue nina Gina Alajar at Rhed Bustamante (na gumaganap bilang sina Charito Solis at Pepsi Paloma respectively) kung saan nabanggit nga si Vic Sotto kaugnay ng panggagahasa sa pumanaw na aktres.


“The above-named accused, being a film director, screen writer and producer, using his personal Facebook account named ‘Darryl Yap,’ which account can only be accessed using information or computer technologies or through a computer system, with deliberate and malicious intent to tarnish or cast dishonor upon the reputation of one MARVIC ‘VIC’ SOTTO y CASTELO or to expose the latter to public contempt, hatred or ridicule…, did then and there willfully, unlawfully and feloniously compose, prepare, write, publish and post a teaser video of his film entitled ‘The Rapists of Pepsi Paloma’ (TROPP),” ayon pa sa resolusyon.

Saad pa ni Barrios sa resolusyon, “I HEREBY CERTIFY, that the crime or offense charged in this case has a prescribed penalty of not more than six (6) years of imprisonment without regard to fine and hence, an expedited preliminary investigation was conducted in this case pursuant to Section 8, Rule V of DOJDepartment Circular No. 28 series of 2024.”

Sampung libong piso ang inirekomendang piyansa para sa kaso.

Matatandaang nagsampa ng cyberlibel case si Bossing laban kay Darryl Yap noong January 9, 2025 sa Muntinlupa City Regional Trial Court.

Hindi pa rin naipapalabas ang “The Rapists of Pepsi Paloma” sa mga sinehan na nakatakda sanang mag-showing noon pang February 5, 2025.

Read more...