HINDI muna dadalo ang re-electionist na si Sen. Imee Marcos sa paparating na rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas kung saan nakatakda siyang pumunta.
Sa kanyang latest social media post nitong Biyernes, March 14, isang pahayag ang inilabas ng senadora tungkol sa dahilan ng pagkaka-absent niya sa naturang rally.
Saad ni Sen. Imee, “Nagpapaumanhin ako sa mga kababayan kong waray na hindi ako makakadalo sa rally mamaya sa Tacloban.
“HINDI KO MATANGGAP ANG GINAWA KAY FPRRD.”
Baka Bet Mo: Imee Marcos walang natanggap na imbitasyon sa pa-dinner ni PBBM
Dagdag pa ni Sen. Imee, “Pinag-aaralan ko ang mga pangyayari upang maliwanagan ang sambayanan, makabuo ng makatotohanang solusyon patungkol sa pagtangay sa dating pangulo.”
Marami naman sa mga netizens ang nagkomento sa naturang post lalo na ang mga tagasuporta ng dating Pangulo.
Matatandaang isa si Sen. Imee sa nagpahag ng kanyang pagkaawa sa nangyaring pag-aresto kay former President Rodrigo Duterte.
Noong Martes, March 11, nang arestuhin ang dating pangulo sa bisa ng warrant of arrest n inilabas ng International Criminal Court dahil sa krimeng nagawa nito laban sa sangkatauhan.
Ngayong gabi naman ay haharap na ito sa Pre-Trial Chamber ng ICC para sa paglilitis ng kanyang kaso.
Matatandaang marami ang mga naging biktima at namatay sa inilunsad na “war on drugs” noon ni Dutere.