TIMELINE: ‘War on Drugs’ ni Duterte hanggang pag-aresto, kaso sa ICC

TIMELINE: ‘War on Drugs’ ni Duterte hanggang pag-aresto, kaso sa ICC

PHOTO: Facebook/Rody Duterte

NITONG buwan ng Marso, inaresto at ikinulong si dating Pangulong Rodrigo Duterte bisa ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC).

Ito ay kaugnay sa kasong crimes against humanity laban sa kanya matapos ang giyera kontra droga sa kanyang pamamahala sa bansa.

Ayon sa datos ng gobyerno, tinatayang 6,000 katao ang namatay sa “war on drugs” ng administrasyong Duterte, ngunit ayon sa mga human rights group ay posibleng umabot sa 20,000 ang totoong bilang ng mga napatay.

Bilang hawak na ng ICC si Duterte, siya ang unang lider mula Asya na haharap sa paglilitis sa The Hague.

Baka Bet Mo: Pangulong Duterte mas gugustuhing mamatay kaysa humarap sa ICC

At para mas malinawan kung ano-ano ang mga pagkakasunod sa naging imbestigasyon ng ICC, narito ang timeline na nakita namin sa ulat ng CDN:

2016: Simula ng ‘Oplen Tokhang’

May 9 – Nanalo si Duterte bilang ika-16 na pangulo ng Pilipinas sa halalan kung saan nakakuha siya ng mahigit 16 million votes.

June 30 – Nanumpa bilang kauna-unahang presidente mula sa Mindanao at nangakong wawakasan ang kriminalidad at korapsyon sa loob ng anim na buwan.

July 1 – Sinimulan ang madugong kampanya kontra droga kung saan mahigit 6,200 ang naitalang official tally ng mga namatay, ngunit ayon sa human rights groups ay posibleng umabot ito sa 20,000.

October 13 – Sinabi ng ICC Prosecutor na si Fatou Bensouda na binabantayan nila ang sitwasyon sa Pilipinas.

Nobyembre – Nagbanta si Duterte na aalis ang Pilipinas sa ICC matapos umalis ang Russia sa tribunal.

2017-2018: Reklamo at Imbestigasyon ng ICC

April 24, 2017 – Naghain ng kaso laban kay Duterte sa ICC ang abogadong si Jude Sabio, kasama ang whistleblower na si Edgar Matobato.

June 6, 2017 – Sumunod sina ex-Senator Antonio Trillanes IV at Rep. Gary Alejano sa pagsasampa ng reklamo.

February 2018 – Sinimulan ng ICC ang preliminary examination sa kaso laban kay Duterte.

March 17, 2018 – Inanunsyo ni Duterte ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC na naging epektibo makalipas ang isang taon.

2019-2021: Tuloy ang Imbestigasyon ng ICC 

March 17, 2019 – Opisyal nang hindi miyembro ng ICC ang Pilipinas, ngunit may hurisdiksyon pa rin ang korte sa mga krimen mula 2011 hanggang 2019.

January 2020 – Binawi ni Atty. Jude Sabio ang kanyang reklamo laban kay Duterte.

September 15, 2021 – Inaprubahan ng ICC ang opisyal na imbestigasyon sa war on drugs.

Nivember 10, 2021 – Hiniling ng gobyerno ng Pilipinas na ipatigil ang imbestigasyon, ngunit kalaunan ay ipinagpatuloy ito ng ICC.

2022-2024: Lumalakas ang Ebidensya

June 24, 2022 – Ipinagpatuloy ng ICC ang pagsisiyasat matapos makitang hindi sapat ang aksyon ng gobyerno ng Pilipinas.

January 26, 2023 – Opisyal na binuksan muli ng ICC ang imbestigasyon.

January 31, 2024 – Inamin ng retiradong pulis na si Arturo Lascañas na nagbigay siya ng testimonya sa ICC laban kay Duterte.

November 14, 2024 – Muling iginiit ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi makikipagtulungan ang Pilipinas sa ICC.

2025: Inaresto si Duterte

March 7 – Nasa Hong Kong si Duterte para sa kampanya ng PDP-Laban para sa mga OFW. 

March 9 – Sinabi ng administrasyong Marcos na handa sila sakaling maglabas ng arrest warrant ang ICC.

March 11 – Inaresto si Duterte sa NAIA at dinala sa Netherlands para harapin ang kanyang kaso sa ICC.

March 13 – Kinumpirma ni ICC spokesperson Fadi El Abdalla ang pagkakakulong ni Duterte sa Scheveningen sa Netherlands.

March 14 – Sasailalim si Duterte sa pre-trial conference o paunang pagdinig kaugnay sa kasong crimes against humanity na may kinalaman sa kanyang kampanya kontra droga.

Ang Pre-Trial Chamber I ay binubuo ng presiding judge na si Iulia Antoanella Motoc at mga hukom na sina Reine Adélaïde Sophie Alapini-Gansou at María del Socorro Flores Liera.

“During the initial appearance hearing, the judges will verify the identity of the suspect and the language in which he is able to follow the proceedings,” paliwanag ng ICC.

Dagdag pa, “He will be informed of the charges against him and of his rights under the ICC Rome Statute.”

Read more...