ITINANGGI ng Malacañang ang mga kumakalat na balita sa social media na nagsasabing na-detain raw si First Lady Liza Araneta-Marcos sa Los Angeles, USA.
Ngayong Huwebes, March 13, pinabulaanan ng Presidential Communications Office (PCO) ang isyu sa asawa ni Pangulong Bongbong Marcos.
“There is no truth that [the Liza Araneta-Marcos] was held by any law enforcers while in Los Angeles or and in any other place,” saad ng PCO Undersecretary Claire Castro sa isang pahayag.
Pagpapatuloy pa niya, “FL arrived in Manila at around 5 AM [on Monday.] At 5:58 AM, she was already on her way to her place from the airport.”
Baka Bet Mo: Pia, FL Liza Marcos nagsama para sa HIV awareness: ‘It’s a national priority’
View this post on Instagram
Matatandaang nagpunta si First Lady Liza sa Los Angeles para sa Manila International Film Festival para i-promote ang pelikulang Pilipino sa Hollywood at sa iba pang mga bansa.
Nanatili siya sa Miami, Florida at Los Angeles, California para dumalo sa mga aktibidad kaugnay sa “Meeting of the Minds” at “Manila International Film Festival” mula March 5 – 8, 2025.
Kumalat ang fake news na-detain siya sa Amerika dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa pagkamatay ng businessman na si Paolo Tantoco.
Samantala, nagbahagi ang First Lady ng ilang mga larawan sa kanyang social media pages mula sa donation turnover sa Girl Scouts of the Philippines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.