
PHOTO: Screengrab from Instagram/@nianaguerrero
TILA wala nang makakapantay sa kasikatan ng content creator na si Niana Guerrero!
Hindi na kasi siya ma-reach matapos ma-meet at maka-collaborate si Lisa Manoban ng sikat na K-Pop girl group na Blackpink!
Sabay nilang sinayaw ang isa sa latest song ni Lisa na “FXCK UP THE WORLD” na ibinandera mismo ni Niana sa kanyang social media pages noong Miyerkules, March 12.
Naging agaw-pansin pa nga ‘yung dulo ng video na kung saan makikitang tuwang-tuwa si Lisa at hinawakan pa si Niana sa balikat.
Baka Bet Mo: Niana Guerrero fina-follow ni BTS j-hope sa TikTok: ‘That’s crazy!’
Ang simpleng caption diyan ng TikToker sa Instagram, “I think we just might.”
Sa comment, maraming netizens ang nabigla at napa-wow, pati na rin ang ilang celebrities kabilang na sina Awra Briguela, Issa Pressman, Mona Alawi, Zeinab Harake, Darla Sauler, at marami pang iba.
Ang nasabing video ay nakabandera rin sa TikTok na umaani na ng halos 25 million views at mahigit 4.8 likes, as of this writing.
@nianaguerrero i think we just might 🙂↕️⭐️ @LISA ♬ FXCK UP THE WORLD (Vixi Solo Version) – LISA
Alam naman natin na maraming international stars nang naka-collab ang Pinay TikToker, kabilang na riyan sina Troye Sivan, Sabrina Carpenter, Billie Eilish, at Meghan Trainor.
Maaalalang nagsimulang sumikat si Niana dahil sa dance covers niyang “Teach Me How to Dougie” sa edad lima at “Despacito” sa edad 11.