Ivana Alawi naligo sa garden ng PBB house; napagalitan na, na-buzzer pa
IN FAIRNESS, naging mainit naman ang pagtanggap ng mga Kapamilya at Kapuso viewers sa pinag-uusapang “PBB Celebrity Collab Edition“.
Nagkasama-sama na nga sa loob ng Bahay ni Kuya ang mga Sparkle artists at Star Magic talents para sa latest edition ng iconic reality show ng ABS-CBN.
Sa mga naging kaganapan sa nitong nagdaang episode, nalaman na ng mga celebrity housemates ang biggest pasabog ni Kuya, ang dahilan kung bakit ito naging COLLAB.
Ngayong season ay isang Kapuso at isang Kapamilya ang magiging magkakakampi sa lahat ng tasks, magiging nominado at magiging evicted housemates.
Kakailanganin nilang maging isang “DUO.” Kaya naman sa kauna-unahang pagkakataon, dalawang Big Winner ang tatanghalin sa 20th anniversary celebration ng “PBB”.
Baka Bet Mo: Ivana Alawi sa mga nakahiwalay na dyowa: Mga sinungaling at cheater!
Nagteam-up na nga sa loob ng Bahay ni Kuya sina Ashley Ortega at Ivana Alawi, AZ Martinez at Esnyr, Will Ashley at River Joseph, Josh Ford at Kira Balinger, Charlie Fleming at AC Bonifacio, Dustin Yu at Klarisse De Guzman, Mika Salamanca at Ralph De Leon, at sina Michael Sager at Brent Manalo.
Samantala, pak na pak din ang special appearance ng sexy actress at content creator na si Ivana Alawi sa pinakabagong edisyon ng “PBB” dahil sa mga nakakalokang eksena niya sa loob.
Ate-ate ang peg ni Ivana sa Big Brother house pero pansin na pansin ng mga manonood ang kakaibang tingin at pakikipag-usap sa kanya ng mga male housemates.
Pati nga ang pagbibigay ng tubig ng isa sa mga host ng “PBB” na pinapasok din ni Kuya sa loob ng kanyang bahay na si Mavy Legaspi kay Ivana ay binigyan ng malisya ng mga netizens.
At ito pa nga, napagalitan pa ang sexy actress at na-buzzer pa dahil naligo siya sa garden ng PBB house gamit ang pangdilig ng mga halaman.
“Eto na po, ayoko na, sige na,” ang maririnig na dialogue ni Ivana nang malamang bawal ang kanyang ginawa.
Bukod dito, may kanya-kanyang drama rin ang mga housemate na sina Ashley Ortega, Michael Sager, Will Ashley at ang iniisyung kakaibang closeness nina Brent Manalo at Esnyr.
Abang-abang din ang sangkabadingan sa mga ganap sa loob ng Bahay ni Kuya ang mga gwapong housemates na sina River Joseph, Josh Ford, Dustin Yu at Ralph de Leon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.