Kitty sa pagmamahal sa ama: ‘I'm your daughter! I'm a Duterte!’

Kitty ibinandera ang pagmamahal sa ama: ‘I’m your daughter! I’m a Duterte!’

Pauline del Rosario - March 13, 2025 - 12:29 PM

Kitty ibinandera ang pagmamahal sa ama: ‘I'm your daughter! I'm a Duterte!’

PHOTO: Instagram/@veronicaduterte

SA kabila ng mga pagsubok, patuloy ang matinding suporta ni Kitty Duterte para sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinandera ng dalaga ang throwback picture kasama ang ama at sabay na inihayag kung gaano niya ito kamahal.

“I will forever walk with pride knowing that I am your daughter, your blood. I am a duterte,” bungad niya sa caption.

Mensahe pa niya, “The strength you raised me with will go untamed. I will stand by the promise I made you today. I love you.”

Baka Bet Mo: Kitty Duterte umalma sa pag-aresto kay Digong: Illegal detention, no warrant!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by vee (@veronicaduterte)

Magugunitang naging usap-usapan ang malutong na pagmumura ni Kitty sa harap mismo ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Maj. Gen. Nicolas Torre III habang nagpapaliwanang tungkol sa pag-aresto sa dating pangulo.

Mismong ang bunsong anak ni Duterte ang nag-post sa social media ng isang video kung saan mapapanood si Torre na nagbibigay na ng ultimatum sa pamilya ng dating pangulo na pumili na ng tatlong tao para makasama nito sa sasakyang chartered flight.

Pilit na inaalam ng pamilya nina Kitty kung saan muna dadalhin si Duterte sakay ng chartered flight.

Habang nagsasalita si Torre ay biglang sumingit si Kitty at nag-dialogue ng, “Sabihin niyo kung saan siya dalahin, t**** i*a ka!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nasa custody na ng International Criminal Court (ICC) ang dating presidente matapos bumiyahe ng mahigit 10 oras mula sa Villamor Air Base sa Pasay City patungong The Hague sa The Netherlands.

Si Duterte ay inaresto ng mga awtoridad sa bisa ng arrest warrant mula sa ICC kaugnay ng kasong crimes against humanity nang ipatupad ng kanyang administrasyon noon ang war on drugs o mas kilala sa “Oplan Tokhang.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending