Billboard sa EDSA usap-usapan dahil sa pa-blind item na may ‘namamaalam’
ISANG misteryosong billboard ang biglang bumungad sa EDSA at tila naging usap-usapan na agad ng marami.
Tila may pa-blind item pa nga ito at hindi pa malaman kung isa ba itong artista o isang brand.
Agaw-pansin kasi ang pahayag na nakabalandra sa mata ng publiko na may katagang, “Paalam…2009-2025.”
Walang paliwanag, walang detalye – isang simpleng goodbye lang, pero malaki ang naging impact nito sa maraming Marites.
Maging kami tuloy ay na-curious kung ano kaya ang ibig sabihin ng viral billboard.
Baka Bet Mo: Jam Villanueva may pa-billboard sa EDSA, endorser na
Ilan sa mga tanong na aming narinig: “Pagtatapos ba ito ng isang era?,” “May artista bang mamamaalam?,” “May rebranding?”
Base sa taon na nakabandera sa billboard, 15 years itong nanatili bago mag-goodbye!
For sure, marami ang sumubaybay sa pag-angat at transformation niya, kaya dumating sa point na ilalagay pa sa EDSA ang kanyang pag-exit.
Narinig din namin na may matibay itong fanbase kaya nagulantang daw ang loyal supporters nang makita ang naturang billboard.
Ngunit ayon sa ating sources, ang pinag-uusapan ay para sa Luxxe White ng Frontrow.
Totoo nga kaya ang haka-haka na ito na ang huling beses nating makikita ang pangalang ito sa spotlight?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.