Cianne Dominguez hinahanap ang ‘kamote driver’ na nakabangga sa kanya

Cianne Dominguez hinahanap ang 'kamote driver' na nakabangga sa kanya

HUMINGI ng tulong ang “It’s Showtime” host na si Cianne Dominguez sa netizens para mahanap ang driver na tinakbuhan siya.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi ng dalaga ang naganap sa kanya recently kung saan isang sasakyan ang nakabunggo sa kanya.

Kuwento ni Cianne, “On the way sana ako somewhere and pa exit ako sa kalayaan ave. (di ko sure pero next exit pagtapos ng commonwealth yung pupuntahan ko). Very chill ako mag drive kasi semi traffic and safe lang. As u can see nasa maayos akong lane and maayos rin takbo ko and then biglang may bumangga sakin.

“Nung nabangga ako ni kuya very chill and nice ako makipag usap kasi i wanna handle this as calm and organized as possible. Pero si kuya nag s-smile lang saken and gusto niya dun ako makipag usap sa kasama niya (i assume amo niya yun since siya yung driver).”

Baka Bet Mo: BF ni Cianne Dominguez nagbanta sa gay bar dancer: ‘An eye for an eye’

Chika ni Cianne, hindi siya pumayag na sa babae makipaguaap dahil hindi naman ito ang nagda-drive sa sasakyan at gusto niyang akuin ng lalaki ang rssponsibilidad dahil siya ang nagmamaneho ng sasakyan.

“Bine-blame nila akong dalawa na ako daw yung mali kasi IMPOSIBLE DAW NA SILA YUNG BUMANGGA SAKEN KASI NASA HARAP DAW YUNG GASGAS KO AND SA LIKOD YUNG KANIYA.

“Tina-try ko explain sakaniya kung pano namgyari pero ayaw niya makinig. (si madam ginagawa akong t*nga) Kesyo wala daw ako sa lane, bakit daw wala ako sa left lane kung de-deretso ako. Di daw ako tumitingin sa side mirror plus nag po-phone daw kasi ako. (which is hindi kasi naka waze ako and nakikinig ako ng message podcast).”

Tila nainis rin si Cianne sa inasal ng kasama ng driver dahil sa mga ibinabato nitong akusasyon na wala namang basis.

Sinubukan niyang makipag-ayos at i-settle na lang sa ibang araw ang nangyari dahil parehas silang nagmamadali kaya naman hiningi na lamang niya ang numero nito para kontakin pag na-review na ang dashcam.

“PERO AYAW NILA. KANIYA KANIYA NALANG DAW KAMI KASI MAS MALAKI YUNG GASGAS NILA. [emoji]. Hanggang sa pumayag nalang si kuya driver na mag exchange ng numbers pero MALI YUNG NUMBER NA BINIGAY PARA DI NA SIYA MA CONTACT. What an a**hole,” tila may gigil na sabi ni Cianne.

Kaya naman panawagan niya sa netizens na tulungan siyang mahanap ang lalaki na nasa larawan kalakip ng kanyang mahabang post dahil pinili ng driver na lokohin siya para makatakas.

“Friends, help me find this man. Di dapat hinahayaan makatakas sa responsibilidad ‘tong mga ‘to,” sey pa ni Cianne.

Bukas naman ang BANDERA para sa panig ng lahat ng kampo na sabit sa isyung ito.

Read more...