Goliath si Rios, David si Pacman

TINURAN ni Manny Pacquiao bilang labanan nina David at Goliath ang sagupaan nila ni Brandon Rios sa Linggo sa Cotai Resort  sa The Venetian, Macau, China.

Mas malaki at mas matangkad ang 5-foot-8 na si Rios kaysa  kay 6-foot-6 Pacquiao kaya inihahambing niya ito kay Goliath. At  tulad ng kuwento sa Bibliya, sinabi ni Pacquiao na mananaig sa labang ito ang mas maliit na si David.

“Remember Goliath was bigger than David and yet, David needed just one stone to fell the giant,” wika ni Pacquiao sa mga mamamahayag na sumalubong matapos dumating ang kanyang delegasyon sa Macau Lunes ng gabi.

Inulit niya ang una niyang pahayag na nasa magandang kondisyon ang kanyang pangangatawan ngayon at sapat lang ang sampung linggong pagsasanay sa Gen. Santos City.

May dagdag puwersa rin siya dahil bitbit niya ang alaala at panalangin para sa mga kababayang nabiktima ng super typhoon Yolanda.

“Am I confident for my fight with Rios? I am more than confident. I enter this fight stronger than ever. I have the strength of my country and my people. I fight for their glory, not mine,” dagdag ni Pacman.

Ang trainer na si  Freddie Roach ay nagbigay din ng panibagong prediksyon para sa laban. ‘‘I know I predicted that Manny would knock Rios out inside six rounds but based on our last workout, I don’t see how Rios makes it past the fourth round,” ani Roach.

Hindi naman natitinag si Rios na kating-kati nang makasagupa si Pacquiao. “I want to feel Manny’s power. I want to feel all of it,” banggit ni Rios.

Nakabuti rin ang maagang pagdating sa Macau dahil sanay na siya sa klima at oras rito at isagawa ang  kanilang plano para ipatikim kay Pacquiao ang ikatlong sunod na pagkatalo.

“My body clock has finally adjusted to Macau.  I want to win every round,’’ sabi naman ni Rios.

( Photo credit to INS )

Read more...