
Caelan Tiongson, BINI Aia Arceta
MAINIT pa ring pinag-uusapan ang tungkol sa hunky PBA player na si Caelan Tiongson at BINI member na si Aiah Arceta.
Pero sa latest update ng exclusive interview ng ABS-CBN News, tila may pakiusap ang basketbolista sa publiko.
Hindi ito tungkol sa pag-amin o pagtanggi sa anumang relasyon nila ni Aiah.
Ang nais niya raw ay mabigyan ng respeto ang kanyang close friend at churchmate, lalo na kung magkaroon na nga ito ng pag-ibig.
Ayon sa PBA cager, naniniwala siyang may karapatan ang P-Pop star na makipagdyowa kung kailan at kanino nitong gustuhin.
Baka Bet Mo: Pakiusap ni BINI Aiah: Respect our personal time and our humanity
Sey ni Caelan, “If Aiah is pursuing a romance with someone in the future, I would hope her fans would respect that.”
“That’s something that she has a right to experience and the story really isn’t what it seems right now—and look how crazy and twisted it could get,” dagdag niya dahil agad-agad naniniwala ang marami sa mga lumalabas na kwento at chismis.
Nabanggit din sa interview na umaasa si Caelan na mapoprotektahan si Aiah ng kanyang fans sa pamamagitan ng paggalang sa kanyang personal na espasyo at desisyon.
“In the future, I hope that her boundaries can be respected and I hope that she can experience something like that because she’s a great person and she deserves it,” pahayag pa niya.
Kamakailan lang, nagsalita na rin mismo si Aiah patungkol sa ilang isyu na nili-link siya sa mga lalaking nakakasama niya.
Sa katunayan nga raw ay “unbothered” siya sa mga chismis na ito, pero ayon sa kanya: “This time, it pains me to see that the people who make me feel safe, calm, and normal, and those who contribute to my happiness are being ridiculed and made fun of online.”
Bago kay Caelan, unang na-link si Aiah sa Kapuso aktor na si Jak Roberto matapos maispatan na nagkasabay sa isang scuba diving session.