Jellie Aw inintriga, nagpagawa raw ng ilong at nguso?

Jellie Aw inintriga, nagpagawa raw ng ilong at nguso?

PINABULAANAN ng disc jockey ma si Jellie Aw ang paratang sa kanya na pagkakaroon ng peke o retokadang ilong at labi.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi niya ang kanyang pahayag kung saan sinagot niya ang tanong patungkol sa kanyang pisikal na anyo pati na rin ang isyung kanyang kinasasangkutan.

“Mga Kanguso, sabi ng mga sawsawera buti daw di lumabas silicon sa ilong ko kahit suntukan pa tayo pero sa ilong lang dapat tatamaan. Sorry, natural po yan, walang halong chemical,” saad ni Jellie sa kanyang post.

Bukod pa rito, maayos na rin daw ang kanyang nguso na siyang mapuruhan nang saktan at bugbugin ng kanyang fiancee na si Jam Ignacio.

Baka Bet Mo: Jellie Aw ibinandera ang mukha: Buo na ulit ‘yung nabasag

“HAHAHAHAHAHAHAHAHA! LAKAS nyo Pati pagbabalik ko sa work and pag galing ng nguso ko Ginawan nyo ng issue partida story yan ng friend ko na SS pa! Ok Bark well Doggies,” sey pa ni Jellie.

Matatandaang naging maingay ang pangalan ng disc jockey matapos mag-viral at mabalita ang kanyang post saxpambubigbog sa kanya ni Jam habang nasa loob sila ng sasakyan.

Ayon kay Jellie, labis na selos ang naging dahilan para humantong ang negosyante sa pananakit sa kanya.

Matapos ang ilang araw na pananahimik ay lumantad si Jam sa publiko at sa kanyang panayam sa GMA News sy humingi siya ng tawad sa nobya at sinabing nais niya ayusin privately ang isyu sa pagitan nila.

Bagamat aminado si Jellie na mahal pa niya si Jam ay nais nitong panagutan kung alam ang kanyang ginawa sa kanya.

Read more...