
Caelan Tiongson at BINI Aiah
KALAT na kalat na ngayon ang chika tungkol sa gwapo at hunky PBA player na si Caelan Tiongson at sa isang member ng BINI na si Aiah Arceta.
Marami kasi ang nag-assume na may namamagitang “something” romantic kina BINI Aiah at Caelan base sa mga naglalabasang photos sa social media.
Nag-start ang pagli-link sa dalawang celebrity nang maispatan si BINI Aiah na nanonood ng laro ng Rain or Shine Elasto Painters na kinabibilangang ni Caelan nitong nagdaang Sabado, March 1.
Sey ng mga netizens, super watch daw si Aiah sa naturang PBA game para suportahan si Caelan.
Bukod dito, spotted naman si Caelan na nanood sa soldout “Grand BINIverse” concert ng Nations Girl Group na BINI sa Philippine Arena last February 15.
May mga nabasa kaming post sa socmed ng ilang Blooms (ang suoer fandom ng BINI), na ang panonood ni Caelan sa concert ng grupo ay pagpapakita niya ng suporta kay Aiah.
Sa panayam ng One Sports kay Caelan after ng Game 3 ng PBA Commissioner’s Cup semifinals last Sunday, March 2, nagsalita na ang cager tungkol sa umano’y relasyon nila ni Aiah.
Hindi diretsahang kinumpirma o dinenay ni Caelan kung magdyowa na sila ng BINI member. Inamin niya na churchmate sila mg P-Pop idol at l nagkakilala sila “through a mutual friend.”
Sabi ni Caelan, “I met her through a mutual friend and she’s a great person, but I’m not gonna speak about her personal life anymore than that.
“She’s a great person and that’s all I gotta say,” matipid na pahayag ng PBA player.
Saad pa ng binatang Filipino-American, isa raw siya sa milyun-milyong fans ng BINI kaya siya nanood ng concert ng grupo, “I love BINI. (I’m a) big Bloom fan, love their music.”
Bukas naman ang BANDERA sa magiging pahayag ni BINI Aiah hinggil sa chikang ito.