Gretchen ‘inagawan’ ng pelikula si Dawn


Speaking of John Lloyd Cruz, kasama pala siya sa pelikulang pagsasamahan dapat nina Richard Gomez at Dawn Zulueta with Jessy Mendiola.

Pero sad to say, hindi na matutuloy si Dawn sa pelikula dahil umatras na ito, pinalitan siya ni Gretchen Barretto.
Narinig naming nagkukuwentuhan ang ilang empleyado ng ABS-CBN tungkol sa pag-atras ni Dawn, sayang nga raw dahil ang ganda ng istorya na ididirek sana ni Chito Roño.

Oo nga, anyare? E, siya pa ang tuwang-tuwang nagbalita sa amin noong nagpa-presscon ang Dreamscape Entertainment para sa bagong serye nila ni Richard na You’re My Home, tapos hindi na pala tuloy?

At tiyak na malulungkot ang umaasang fans nina Richard at Dawn dahil hindi matutuloy ang pagsasama ng dalawa sa pelikula.

( Photo credit to Google )

Read more...