A FEW days ago ay nagtsikahan kami ng ilang friends (magkahalong showbiz and non-showbiz) sa isang tambayan sa Tomas Morato, Q.C. Kung anik-anik ang napagkuwentuhan namin – mula sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda down to the kakatihan ng mga baklitang aktor and singers natin hanggang sa kung saan kami magpa-Pasko and all.
Kung anu-anong topic lang – depende sa flow of thoughts kumbaga. At ang isang medyo nakainteresan ng lahat ay ang pagkaroon ng mga kababayan natin ng short memory.
“Tingnan mo iyang si Janet Napoles, di ba’t P10 billion ang kinasangkutan niyang scam? Bukas-makalawa, makapagbigay lang iyan ng P5 million donation sa isang nasalantang lugar, limot na ng mga Pinoy ang mga nanakaw niya.
Doon na sila sesentro sa kadakilaan ng puso dala ng echos na pagtulong o pag-donate. “Tingnan mo ang Kris Aquino na iyan. Magbabalot lang ng relief goods with her friends and staff, kailangang naka-yellow t-shirt pa. Para pa rin siyang nangangampanya.
Marami ang naiinis sa kaniya pero hintayin niyo ang pagsapit ng 2016 elections, once na maglabas na naman ng pera ang angkan niyan at left and right na pagkamay with matching akala mo’y sincere na ngiti, limot na tiyak ng mga Pinoy ang kahinaan ng kuya niyang pangulo.
“Isang maliwanag na example ay itong si Cristine Reyes. Kailan ba yung sobrang binastos niya ang ate Ara Mina. Binaboy niya nang walang patumangga ang nakatatanda niyang kapatid.
Halos isumpa siya ng bansa that time. Pero nasaan ka, ngayon ay left and right ang projects niya sa ABS-CBN.
“At balita ko’y guaranteed na ang contract niya.
Hanep naman sa suwerte, di ba? Ilan lang ba ang merong guaranteed contracts sa mga talents ng ABS? Mabibilang mo lang sa sampung mga daliri mo pero kasama ang dating isinumpang si Cristine.
“Kaya dapat ay hindi tayo matakot masira dahil meron naman palang premyo ang mga salbahe sa bansang ito, dala na rin ng short memory ng mga Pinoy kaya madali nilang makalimutan na minsan ay kinamuhian ka nila.
Kaya go lang nang go kahit bad,” tuluy-tuloy na litanya ng aming kausap. Ay, hindi kami um-agree sa sinabi niyang go lang nang go kahit bad. Di baleng hindi kami suwertihin nang husto like Cristine Reyes basta alam naming good kami.
Masama yung pagiging bad, di ba? Takot kaya kami sa karma. Echos! Ha-hahaha!
( Photo credit to Google )