Jodi Sta. Maria handa nang ilantad ang ‘buhay-buhay’ sa JSM Channel

Jodi Sta. Maria handa nang ilantad ang 'buhay-buhay' sa JSM Channel

Jodi Sta. Maria, AC Soriano at Cheena Crab

SUPER excited na si Jodi Sta. Maria na maibahagi sa buong universe ang ilang bahagi ng kanyang personal life at showbiz career.

Pormal nang ni-launch ng Kapamilya actress ang kanyang JSM Channel sa YouTube nitong nagdaang Lunes, February 24, kung saan mapapanood ang iba’t iba niyang paandar na segments.

Makakasama ni Jodi as co-hosts sa “Let’s Drink To That” show ng JSM Channel sina Cheena Crab at AC Soriano.

Nakasama ni Jodi si Cheena sa seryeng “Lavender Fields” habang si AC naman ay ang sumikat na content creator dahil sa pang-i-spoof niya sa mga viral scenes sa teleseryeng “Broken Marriage Vow.”

Baka Bet Mo: Jodi inatake ng ‘psychological sepanx’ after ng lock-in taping sa Baguio: ‘Nasa real world na ba ako?’

Kuwento ni Jodi, dito raw muna siya magpo-focus ngayong taon, “But meron kasi akong mga projects na napag-commit-an ko since, like, late last year, and of course, kailangan ko pa rin i-fulfill yung obligations ko with them.

“So, tatapusin ko lahat ng yun. But for now, it’s really the JSM Channel,” sey ni Jodi.

Streaming na ang tatlong shows sa JSM Channel ngayong March. Una na nga riyan ang “Let’s Drink To That”, na isang lifestyle show kasama nga sina Cheena Crab at AC Soriano at mapapanood na simula sa March 9.

Nandiyan din ang wellness and self-care show na “Live Light” na mapapanood na sa March 4 at ang JSM Travel and Tours na streaming na sa March 7.


Natanong si Jodi kung gaano kapersonal ang mapapanood sa kanyang YouTube channel. Ise-share rin ba niya dito ang ilang detalye ng makulay at kontrobersyal niyang buhay.

Sagot ni Jodi, “In terms of the shows, that was actually one of the very first questions that I asked myself. ‘How much am I willing to share?’

“And you know naman, in terms of sharing, just because you’re on YouTube, it doesn’t necessary have to mean that you just open the book and, ‘Hey, guys.’ Invite them, ‘Come on, read. Ito ang nangyari sa buong buhay ko.’

“No. It’s not going to be like that. What you’re going to see, is still me. Ah, like, parts of my life. Not my whole life. And I think, what I would want to share are those with valuable lessons.

“Kasi sometimes, yung mga nangyayari naman na hindi mo talaga necessarily kailangan nang i-share. But I think, those things that happened to me, those are that I would want to impart to the viewers.

“And if they learned something from it, if they picked up something from it, and then that’s good,” tuluy-tuloy na pahayag ni Jodi.

Nilinaw din ng aktres na matagal na siyang may YouTube channel pero nagdesisyon siyang i-level up ang kanyang mga content.

“Even before Lavender Fields ended, it was already on my plans. Kumbaga, I think I’m just that person na parang, ‘Okay, what do I do next?’ Parang hindi talaga ako mapirme.

“So, mid-July, that was last year, du’n ko talaga naisip na, ‘Okay, maybe I can do something with my YouTube channel.’ I can revamp it, and I can maybe produce shows and contents that I guess, you know… that’s what I did,” saad pa ni Jodi.

“It’s really just me wanting to be able to share with the viewers, you know, the things that are important to me, the things that are valuable to me or that carries valuable lessons, the things that I experienced and, you know, some of my thoughts, di ba?

“I just wanna to put it out there. And if somebody kinda relates to that, di ba? Then, they can just comment.

“And then from there, it can actually be, like, you know, a conversation like what I said a while ago, that there’s going to be a Facebook page.

“Like sort of, you know, support group for, you know, a safe space for people na parang, ‘Sige, kung ano yung gusto mong pag-usapan, kung ano yung o dinadamdam mo o binibitbit mo, sige ilagay mo lang diyan,’” dagdag pa niyang pahayag.

Read more...