Matutuloy sa US

Sulat mula kay Jirro, ng Bayugan City,  Agusan del Sur
Dear Sir Greenfield,
Noon pa man ay pangarap na naming mag-asawa na magtrabaho sa Amerika.  Sinubukan naming mag-apply kahit may trabaho naman kami dito.  Kailangan nang umalis sa Pilipinas dahil hindi tumataas ang suweldo namin.  Mahirap ang proseso pero tinutulungan naman kami ng aming kamag-anak doon.  Matutuloy kaya kami?  Kailan?  Anong taon.  Kumpleto ang mga papeles namin at nakatugon din kami sa mga requirements.  Hindi pa itinatakda ang interview dahil may tinitingnan pa raw sila.  July 1, 1968 ang birthday ko at September 10, 1976 naman ang misis ko.
Umaasa,
Jirro, ng Bayugan City, Agusan del Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapwa may malawak at malinaw namang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa palad ninyo. Ibig sabihin sa takdang panahong ang kapalaran ang naglaan, maa-approve rin ang aplikasyon ninyo sa US embassy, kung saan, una kang makaka-alis, habang kapag nandoon ka na, mga isang taon ang lilipas saka mo naman makukuha si misis at ang inyong mga anak upang ang buong pamilya ay tuluyan at ganap ng makapanirahan sa Amerika.
Cartomancy:
Queen of  Diamonds, Three of Diamonds at Ace of Diamonds, ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing suwerte ka sa iyong misis, at susuwertehin ka rin sa tulong ng babaing mayaman, na nasa US na, kung saan, malaki ang pag-asa sa last quarter ng 2014, may paglalakbay na itatala sa iyong kapalaran.
Itutuloy…

Read more...