
Jam Villanueva, Anthony Jennings at Maris Racal
HINDI pinalampas ni Jam Villanueva, ang ex-girlfriend ng Kapamilya actor na si Anthony Jennings, ang pang-ookray sa kanya ng mga netizens.
Ipinamukha kasi ng isang netizen sa kanya na pabawas na nang pabawas ang mga followers niya sa social media na dumami lang daw noong kasagsagan ng isyu sa kanila ng ex-boyfriend na si Anthony Jennings.
Kapansin-pansin nga na biglang lumobo ang followers ni Jam sa kanyang nga socmed accounts nu’ng ibuking niya ang panloloko raw sa kanya ni Anthony at ng ka-loveteam nitong si Maris Racal.
Banat ng isang netizen kay Jam, sumikat lang daw siya at nakilala ng publiko dahil kina Anthony at Maris.
“I saw n pabawas na pabawas followers m. Nagincrease lang dahil s issue. How will you increase it now??” ang paratang ng netizen.
Baka Bet Mo: Jam Villanueva tagumpay sa pagwasak kina Maris at Anthony; milyones nawala
Palaban si Jam sa basher at talagang sinagot ang isyu sa pamamagitan ng kanyang Instagram story, “My world is not revolving around it naman, but I am thankful for those who still stay and show support.”
Dagdag pa niyang hirit, “Reminder na din that our personal worth and self-value should not be dependent sa external validation or the opinion of others.
“Importante din to understand and know yourself, your values, and your purpose. Kasi true fulfillment and confidence naman come from within, not from seeking approval from others.”
“Pag may strong sense of self ka, you can just be authentic and go through life without feeling like you have to follow or live up to others’ expectations,” litanya pa ng ex ni Anthony.
Parehong umamin sina Anthony at Maris sa nagawa nilang pagkakamali at humingi ng tawad sa lahat ng taong nasaktan nila.
Pahayag ng Kapamilya actor, “Sa lahat ho ng mga nangyari noong nakaraang araw, sa lahat ho ng mga taong nasaktan ko, especially po si Maris atsaka si Jam, humihingi ho ako ng tawad sa dalawang babae, and sa mga lahat po ng mga nadamay ko rin po.
“Iyon lamang po. Sorry po ulit,” aniya pa.