
PHOTO: Facebook/Jellie Aw
Trigger Warning: Mentions of violence.
MUKHANG nakaka-recover na ang content creator at DJ na si Jellie Aw matapos ang sinapit na pambubugbog sa fiance na si Jam Ignacio.
Kahapon, February 24, ibinandera ni Jellie ang latest life update niya na mapapanood sa Instagram.
“Guys, huwag na kayong mag-worry. I’m getting better,” bungad sa niya sa video post.
Kasunod niyan ay ipinakita niyang malapit nang gumaling ang mga naging galos niya sa mukha.
Baka Bet Mo: Jellie Aw apektado kina Zeinab at Bobby Ray: Kala ko fairytale na kwento ko
“Meron pa akong pasa sa mata and ‘yung ngipin ko basag pa rin, pero naka-schedule na po ako sa dentist ko sa Tuesday, kaya magagawa na po siya. ‘Yung labi ko, okay na po siya. Tuyo na ‘yung sugat,” sey niya.
Nabanggit din ni Jellie na plano na niyang bumalik sa trabaho this week: “Kung mawawala na po ‘yung pasa and maga ng mukha ko.”
Muli rin siyang nagpasalamat sa lahat ng nag-alala at nagpaabot ng dasal para sa kanyang paghilom.
“So ayun lang guys, in-update ko lang kayo kasi hindi ko po kayo maisa-isa, sobrang dami pong nagme-message sakin,” wika niya.
Aniya pa, “Again, marami pong salamat sa prayers and pag-aalala ninyo. God bless you all.”
Kamakailan lang, iginiit ni Jellie na hindi na siya magpapakasal kay Jam kahit ito ay nag-public apology na.
Inamin niyang mahal pa rin niya ang fiance, pero tiniyak ng content creator na hindi na matutuloy ‘yung mga plinano nila sa future.
“Respeto na rin po sa akin bilang babae and sa family ko na sana harapin niya ‘yung ginawa niya,” paliwanag niya.
Ang mensahe pa niya kay Jam: “Kung talagang mahal mo ako, harapin mo ‘yung ginawa mong kasalanan.”