Mikoy Morales inakalang bisexual, nag-explore sa sexuality

Mikoy Morales inakalang bisexual, nag-explore sa kanyang sexuality

Mikoy Morales at Isa Garcia

DIRETSAHANG inamin ng Kapuso actor na si Mikoy Morales na sinubukan niyang mag-explore sa kanyang sexuality dahil inakala niyang isa siyang bisexual.

Ito’y may kinalaman daw sa sunud-sunod na gay roles sa pelikula at mga TV show na ginampanan niya nitong mga nagdaang taon.

“Never akong naging confused, but I explored. There was a time na I thought I was bi (bisexual),” ang pahayag ni Mikoy sa cooking talk show ng GTV na “Lutong Bahay” hosted by Mikee Quintos.

Ayon sa “Pepito Manaloto” actior, nagdesisyon siyang mag-explore sa kanyang sexuality para mas mapalawak pa ang kanyang kaalaman sa mga ginagampanang role na may konek sa temang LGBTQIA+.

“Siguro partly related dahil sa puro gay roles ‘yung nakukuha kong roles, so andoon ako sa exploring my life outside the roles, also, on how to make the roles better. Parang better understanding,” ang esplika pa ng Kapuso actor.

Baka Bet Mo: Mikoy na-intimidate sa unang salang sa Bubble Gang: Iba ang epekto sa akin ni Kuya Bitoy!

Ayon naman sa kanyang fiancée na si Isa Garcia na kasama rin niyang nag-guest sa “Lutong Bahay”, totoong may pagkakataong napapaisip din siya tungkol sa sexual preference ni Mikoy.


“Noong una medyo may confusion din, like, paano ba magre-react doon. Kasi noong the fact na ‘yung magiging boyfriend ko or ‘yung boyfriend ko artista na with sobrang daming kailangang gawing roles, na gay roles pa, meron kang iisipin na, ‘Totoo ba ‘yun or hindi?’” aniya.

Inamin naman daw ng aktor sa kanya ang nararamdaman nito, “Super na-appeciate ko ‘yung sinabi niya pa rin na nag-e-explore siya. And I think that was enough for me na maging super okay about it.”

Matatandaang nag-propose si Mikoy kay Isa ngayong February lamang at ibinandera niya ang kanilang engagement sa Instagram na nangyari sa loob ng sinehan.

Makikita rin sa naturang post ang engagement ring ni Isa habang kumukuha ng popcorn.

“And so it begins,” ang nakalagay sa caption ni Mikoy with matching ring emoji.

Ibinahagi rin ng aktor sa Instagram Stories ang ilang litrato kung saan makikita siyang nakaluhod sa harap ng kanyang fiancée.

Bukod sa “Pepito Manaloto”, napapanood ngayon si Mikoy sa primetime series na “Lolong: Bayani ng Mga Bayan” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.

Read more...