Sam Milby sa bashers: ‘You wanna make me the evil person, it’s OK’

Sam Milby sa bashers: 'You wanna make me the evil person, it's OK'

Sam Milby at Catriona Gray

KALIWA’T KANAN ang pamba-bash kay Sam Milby dahil siya ang sinisisi kung bakit naging emosyonal ang ex-fiancée niyang si Catriona Gray sa concert ni TJ Monderde sa Araneta Coliseum.

Naging viral ang video ni Catriona na umiiyak habang kinakanta ni TJ ang awiting “Sarili Nating Mundo” na maganda naman talaga ang lyrics.

Ang ending si Sam ang pinutakti ng netizens dahil siya raw ang may kasalanan kaya umiyak si Catriona at kung anu-ano pa ang mga nabasa naming komento.

Iniwan daw kasi ng aktor ang beauty queen dahil kay Moira bukod pa sa napakarami raw nakitang “red flag” ni Cat sa binata na pati ang matagal ng isyu ay binuhay na kesyo iba ang sexual preference nito.

Bale ba, two seats apart lang ang pagitan ng ex-couple at pinagmamasdan daw sila ng mga nasa loob ng Big Dome kung iko-comfort ni Sam si Cat, pero hindi nangyari, as in dedma raw.

Baka Bet Mo: Sarah tumigil na rin sa paglafang ng karne, nakikipaglaban para sa karapatan, kaligtasan ng mga hayop

Ilang araw naging pulutan ng bashers si Sam at wala kaming narinig na ipinagtanggol ni Sam ang sarili at gayun din si Catriona na hindi man lang ipinaliwanag kung bakit siya naluha.

Hiningan namin ng reaksyon ang ex-fiancé ni Catriona tungkol sa pagiging emosyonal nito at kung kinomfort ba niya ito.


“Napaiyak kasi siya because TJ’s song is so beautiful but then it became awkward night, actually I wanted to comfort her but I couldn’t, I don’t think it was right.

“Yeah, it wasn’t the right time, I don’t think I was the right person to (do that) and yeah (baka isiping) gagawa ng scene. I don’t know what to do, so, it was a hard night at that time.

“But hanggang ngayon if you gonna ask her or me, we’re okay, it was an emotional night because ang gaganda ng music ni TJ and that was it. Kahit tanungin n’yo siya (Catriona) I’m sure she would say that,” seryosong paliwanag ni Sam.

Hirit naman ng handler ng aktor na si Caress Caballero, “Saka hindi na-catch (nakunan ng video) ‘yung tumatawa si Cat, na-catch lang ‘yung umiiyak siya but after no’n tumatawa siya.

“Even after nu’ng paalis na ako ng concert, sabi ko, ‘Cat I’ll just go backstage and she said okay,” aniya.

Sabi uli ni Sam, “But people just highlighted the part that she’s crying and I understand people would think what they want, I’ll just learned to…I know the truth, we know the truth and bahala kayo (bashers),” kuwento ng aktor.

Lahat ng hindi magandang pinagsasabi kay Sam ng netizens ay okay lang sa kanya, “You wanna hate me, you wanna make me the evil person, it’s okay. I can’t speak about Cat ‘coz she’s a good person ”

Sabagay nakailang break-up na si Samuel pero never siyang nagsalita ng hindi maganda sa mga ex-girlfriend niya kaya naman hanggang ngayon ay mga kaibigan niya lahat.

Tungkol naman sa fur babies nila ay hiniling ni Catriona na maiwan sa kanya ang mga ito.

“Sabi niya (Cat) ‘kung hindi tayo matuloy, maiwan sa akin si (fur babies) kaya nasa kanya and I bought na mine ‘coz I miss having a dog,” saad pa ni Samuel.

Kumusta naman si Sam pagkatapos ng break-up? “I’m okay, I’m trying to say busy (natawa), it’s a weird time in my life actually. I’m human, I have moments of sadness, I have moments of…I’m turning 41 (May 23).

“Some people say like, ‘oh baka may midlife crisis ka (natawa). I don’t think so, I’m not crazy, I’m not going out! You know you have plans in life that you’re hoping push through and I don’t and yeah, I just thankful for the work that I have after 20 years. I have a good friends also and interesting thing in my life,” saad ng binata.

At isa nga sa natapos na trabaho ng aktor ay ang seryeng “Saving Grace: The Untold Story” na katatapos lang ipalabas sa Prime Video at sa March 3 naman ito mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

Samantala, isang taon nang hiwalay sina Sam at Cat at aminado ang una na hindi pa siya naka-move on dahil ang paniniwala niya kapag may girlfriend na siya ang ibig sabihin ay nakalimutan na niya ang dating karelasyon.

Kaya hindi pa isinasara ni Samuel Lloyd ang puso niya, “Oh no, I don’t have malalim na hugot na I don’t believe in love, I definitely believe in love.”

Read more...