
KD Estrada at Alexa Ilacad
MAS pinipili ng Kapamilya loveteam na sina Alexa Ilacad at KD Estrada na gawing private kung ano ba talaga ang estado ng kanilang relasyon.
Marami ang naniniwala na matagal nang may “something” sa pagitan ng dalawang Kapamilya star base sa kanilang mga pakilig post, idagdag pa ang kanilang body language.
Sa press launch nga ng Puregold CinePanalo Film Festival 2025 kung saan may entry ang KDLex, ang pelikulang “Co-Love”, ay sweet na sweet ang dalawa with matching holding hands pa kahit maraming tao sa paligid.
Sabi nina Alexa at KD, nagpapakatotoo lang sila sa isa’t isa, pero ayaw nilang lagyan ng label ang kung anumang meron sila, “What you see is what you get.”
Baka Bet Mo: KD Estrada inaming nililigawan pa rin hanggang ngayon si Alexa Ilacad, hindi nagmamadaling maging magdyowa
Sey pa ni Alexa, “To be completely honest, I don’t think announcing labels are so important. There are some things we would like to keep to ourselves because what others won’t know won’t hurt us, if that makes sense.
“What they don’t know won’t hurt us. But we show our true selves naman. But we don’t think we have to announce,” aniya pa.
Dagdag pa ng Kapamilya actress, “Kasi we’ve been asked naman many times. It’s not really something na, ‘Let’s sit down,’ conversation kami. Pero with our personalities, napagkasunduan naman namin.”
Sa tanong kung ayaw ba nilang ipaalam sa kanilang fans ang tunay na estado ng kanilang relasyon, si Alexa ang sumagot, “I think somehow we owe it to them to be truthful in our actions and what we choose to show other people. But we also have boundaries.”
Samantala, naibahagi rin ni Alexa ang pagma-mature ni KD bilang aktor at very proud daw siya sa kanyang ka-loveteam.
“Working with KD, I’m very proud of him kasi nakita ko kung gaano siya kaseryoso sa ginagawa niya. So I just let him be. Inaalalayan ko lang siya pag kailangan niya ng support. Overall, it’s been a fun experience,” aniya.
Sey naman ni KD, “Mas malakas na ang chemistry namin onscreen, ni Alexa. Siyempre, pag kilala mo yung tao, naka-work mo siya ng ilang beses, mahahasa na po yan and it’s gonna improve.”
Malaki raw ang tulong na may “personal relationship” si Alexa sa kanyang leading man, “I think it’s an advantage, of course. Because you’ll be inspired to go to work, and you have a lot of fun, extra fun, going to work, when there’s someone who inspires you.”
Sa question kung may disadvantage b ito, sey ni Alexa, “I haven’t really felt any disadvantage.”
Samantala, magaganap ang 2025 Puregold CinePanalo sa Gateway Cineplex 18 mula March 14 hanggang 25.