Barako Fest mas maraming mga pakulo, mga celebs na dadalo pasabog
IKATLONG taon na ngayong 2025 ang Barako Festival sa Lipa City at kumpara sa nakaraang dalawang taon ay mas maraming highlights mula kahapon, Pebrero 13 hanggang bukas, Pebrero 15.
Ang Star For All Seasons at kumakandidatong Gobernadora ng Batangas na si Ms Vilma Santos–Recto ang nagpasinaya sa opening ng Barako Fest 2025 kasama sina Lipa City Mayor Eric Africa, tumatakbong Bise Gobernador Luis Manzano at asawang si Jessy Mendiola, kumakandidato para sa 6th District na si Ryan Christian Recto, Angkas Partylist at CEO George Royeca at ang ilang Kongresista, Mayors, Vice Mayors at Councilors.
Laging suportado ni Ate Vi ang Barako Festival mula sa Team Talino at Puso sa pamumuno ng Mentorque Producer na si John Bryan Diamante, managing direktor ng Barako Festival at katuwang ang San Miguel Corporation at Angkas supported by various local businesses and stakeholders.
Baka Bet Mo: Luis nawalan ng 4 endorsement dahil sa politika; Vilma suportado BARAKO Fest
Ginanap ito sa Royal Estate with 20 hectares, 12 festivals in ONE Batangas para ma-accommodate ang mga sumusunod:
ART FEST: para maipakita ang creativity pagdating sa art installation at art exhibits ng Batangueño artists sa pangunguna ni Mr. Joseph Albao awith world-renowned artist at curator, Mr. Kawayan De Guia.
TRADEFEST: para ipatikim sa lahat ang best delicacies at produkto mula sa iba’t ibang bayang sa buong Batangas.
PLAYFEST: kung saan mage-enjoy sa inflatables, go karts, at fun games ang mga bata at kids at heart kasama ang buong pamilya.
FOODFEST: may 400 stalls para sa non-food at food concessionaires mula sa buong lalawigan ng Batangas para sa mga dadalo ng event.
DRIFT FEST: Marvel drift exhibition na ipapakita ng mag-aamang Father-Daughter sina Dr. Drift Andel Sison, Drift Ashley Sison at Drift Audrey Sison.
CONTENT CREATOR MEET and GREET: Meet and greet kasama ang mga sikat na content creators tulad nina Boss Toyo, Whamos Cruz, Von Ordoña, Dane Grospe, Cherry White, Pio Balbuena, Toni Fowler, Ava Mendez, Sachzna Laparan, Ato and friends, Jayzar Recinto at Bisaya Squad.
E-SPORTS FEST: Experience the thrill and be part of this epic Mobile Legends Competition hosted by e-sports personality – Renejay and Dogie.
DIRT FEST: Dive into the heart-pounding world of off-road adventure with our motocross team headed by our invited expert riders from Mindanao.
CAR FEST: Satisfy your motorhead with a celebration of car and motorcycle models that will be on display for enthusiasts to feast their eyes on.
SPORTS FEST: sport action that includes 3×3 and 3-point shoot-out competition participated by 66 barangays in Lipa City. Ang participants ay ang Single Elimination Tournament between Batang Recto vs Billionaires Gang and GBoys VS RHM All Star.
RAVE PARTY – kasama sina DJ Vincent Jarina, DJ Jennifer Lee, DJ Ace Ramos, DJ Ron Poe, DJ BA De Guzman at DJ Tom Taus
MUSIC FEST: ang pinaka-highlight of Barakofest 2025,ay ang concerts mula sa kilalang personalidad sa larangan ng music fun kung saan mapapanood ang mga kilalang DJs at sought-after artists katulad nina Hev Abi, JC Santos, TJ Monterde, KZ Tandingan, Alex Gonzaga, Eclipse, Jeromne Ponce, Ron Angeles, Mike Swift, Jessy Mendiola, Good Boyz, at ang bagong girl group na Eleven 11.
Ang mga activities na ginanap kahapon, Pebrero 13 sa Barako Festival 2025 ay ang mga sumusunod:
Battle of the bands, Barako Games, Billiard Cup, Angkeys to Win, Angkas Job Fair, Moto Gymkhana Slalom, Last to Take Hands Off, Trade Fest, Food Fest, Dirt Fest, 3v3 Basketball League, 3 points shoot out Play Fest at Content Creator Fest.
Ang ganap naman ngayong araw, Pebrero 14:
Mini Concert, Car & Motor Meet, Billiard Cup, Angkeys to Win, Angkas Job Fair, Moto Gymkhana Slalom, Last to Take Hands Off, Trade Fest, Food Fest, Dirt Fest, 3v3 Championship, Play Fest , Drift Fest, Rave Party, Content Creator Fest.
At ang mga aktibidades sa pagtatapos ng Barako Festival 2025 bukas, Pebrero 15:
Main Concert, Barako Games, Battle of the Legends, Angkeys to Win, Angkas Job Fair, Moto Gymkhana Slalom, Last to Take Hands Off, Trade Fest, Food Fest, Dirt Fest, Basketball Championship, Celebrity Game, Play Fest, Drift Fest, Car & Motor Show at Content Creator Fest.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.