na ibinandera ng Siargao-based surfer na si Philmar Alipayo ang kanyang Valentine’s Day surprise sa kanyang partner na si Andi Eigenmann.
Sa kanyang ibinahaging Instagram reels nitong Biyernes, February 14, pinakita nito ang bouquet na personal niyang inihanda at siya pa mismo ang pumitas.
At kung ang inaakala nyo ay flowers ang alay ni Philmar ay tila mas praktikal ito dahil puso ng saging ang kanyang handog para sa minamahal.
“Bahala saging basta kinasing kasing,” saad niya sa kanyang caption.
Baka Bet Mo: Derek Ramsay gigil na gigil kay Philmar Alipayo: Magpakalalaki ka!
Agad namang umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizens ang naturang video ni Philmar
“i’ve been using banana leaves wrong my whole life, ” saad ng kapatid ni Andi na si Stevie Eigenmann.
Comment naman ni Melai Cantiveros, “Kani gyud ang bagsik 😍😍😍😍😍 kinasing kasing ang paghigugma😍 Padayun sa paghigugmaay @andieigengirl @chepoxz.”
“Gwapuha sa pagkahimo sa bouquet oi. HAPPY VALENTINE’S DAY Happy Islanders Family!!” sey naman ng isang netizen.
Love is in the air na nga uli para sa mag-partner na sina Andi at Philmar dahil nagkaayos na silang muli matapos ang hindi pagkakaunawaan na umabot pa sa social media.
Matatandaang damay sa isyu ang bestfriend umano ni Philmar na si Pernilla Sjoo matapos silang magkaroon ng matching tattoos.
Ngunit sa isang Instagram reel ay nilinaw ng surfer na muli na silang nagkaayos ng fiancee.