‘Bridget Jones’ tiyak na magpapakilig, magpapatawa sa V-Day

Bagong ‘Bridget Jones’ tiyak na magpapakilig, magpapatawa sa Valentine’s Day

Pauline del Rosario - February 14, 2025 - 04:22 PM

Bagong ‘Bridget Jones’ tiyak na magpapakilig, magpapatawa sa Valentine’s Day

PHOTO: Courtesy of Universal Pictures

TATAWA ka, mai-inlove at baka mapaluha pa sa nakakaantig na eksena.

Ganyan ang siguradong mararamdaman mo kapag napanood ninyo ang pinakabagong “Bridget Jones” movie –ang “Mad About the Boy,” na showing na sa mga lokal na sinehan.

Napanood na ng BANDERA ang bagong pelikula at muling pinatunayan ng American actress na si Renée Zellweger kung bakit siya ang perpektong Bridget Jones. 

Swak na swak ang kanyang humor at damdamin sa role, kaya naman ramdam na ramdam ng audience ang bawat eksenang puno ng puso. 

Kasama rin niya ang star-studded cast na sina Hugh Grant, Emma Thompson, Leo Woodall, Chiwetel Ejiofor, at Isla Fisher—lahat nagbigay ng dagdag na saya at kulay sa pelikula.

Baka Bet Mo: LIST: 3 international films na babandera ngayong ‘love’ month

Mapapanood sa latest franchise ang journey ng karakter kung paano niya bibigyan nang sigla ang malungkot niyang buhay matapos pumanaw ang asawang si Mark Darcy na ipinakita sa naunang movie.

Ngayon, bilang single mom ng dalawang anak, hinihikayat siya ng kanyang pamilya at mga kaibigan na muling buksan ang kanyang puso para sa bagong pag-ibig.

Siyempre dahil diyan, hindi mawawala ang mga nakakakilig, hot na hot na eksena, at emosyonal na tagpo na siguradong tatatak sa puso ng manonood.

Mula sa bestseller novel ni Helen Fielding na “Bridget Jones’s Diary” hanggang sa pagiging blockbuster film franchise, patuloy na kinagigiliwan si Bridget Jones.

Matatandaan na isa sa mga highlight mula sa mga naunang pelikula ay ‘yung nagtagumpay si Bridget na pakasalanang top lawyer na si Mark Darcy at nagkaroon sila ng anak. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero sa “Bridget Jones: Mad About the Boy,” muli siyang nag-iisa at byuda ng apat na taon.

Ngayon, bilang single mom sa kanyang 9-year-old na si Billy at 4-year-old na si Mabel, ginagawa niya ang lahat para maging masaya ang kanilang buhay—sa tulong ng kanyang matatalik na kaibigan, at pati na rin ng kanyang dating kasintahan na si Daniel Cleaver (Hugh Grant).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending