Sey mo Sunshine…Cesar type dyowain si Solenn, nagsimula nang manligaw


Nagpaparamdam nga ba si Cesar Montano kay Solenn Heussaff? Magiging visible na si Solenn within this week and next week sa Akin Pa Rin Ang Bukas, the GMA TeleBabad soap after Adarna.

Naging on and off kasi ang appearance ng kaniyang character bilang partner ni Cesar in this Laurice Guillen directed soap that also stars Lovi Poe, Charee Pineda and Rocco Nacino but now Lovi’s character Lovelia is back, magsisimula na ang love triangle nina Solenn, Cesar and Lovi sa show kaya excited din si Solenn as she really wants to play a bitch character ulit.

Okay din kay Solenn na hindi siya naging busy sa Akin Pa Rin Ang Bukas dahil she has several other GMA shows, Taste Buddies, Fashbook and Sunday All Stars at nakakagawa siya ng movie tulad ng “Mumbai Love” kung saan balita ngang na-mafia ang production sa Mumbai.

Paglilinaw ni Solenn about this, hindi naman daw talaga hostage ang ginawa sa kanila, hindi lang sila pinalabas sa hotel at magpatuloy sa shooting hanggang hindi nagbabayad ang producer but otherwise they felt self naman daw.

Hindi na nga ito kinuwento ni Solenn sa kaniyang non showbiz Argentinean boyfriend. Ang tanong kinukuwento kaya ni Solenn kay boyfriend that Cesar is extra sweet to her?

Balita na nagpapadala ng food si Cesar kay Solenn and she confirmed this. Kita raw ang tuwa ni Cesar kapag may love scene and kissing scene sila sa show.

Hindi ito pinapansin ni Solenn at hindi niya binibigyan ng kahulugan ang pagiging sweet ni Cesar dahil bukod sa kilala niya na ito noong bata pa dahil magkaibigan ang daddy ni Solenn at si Cesar years ago, alam ni Cesar na may boyfriend siya.

Read more...