IKINASAL na ang dating child actress na si Krystal Reyes sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Lawrence dela Cruz.
Nitong Martes, February 11, naganap ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa sa Saint Gabriel the Archangel Parish Church, sa Caloocan City.
Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Krystal ang video na kuha noong araw ng kanilang kasal.
Present sa kanilang wedding day ang mga kaanak at malalapit nitong mga kaibigan.
Baka Bet Mo: Dating child star na si Krystal Reyes engaged na sa non-showbiz BF
“Wedding day,” maikling caption ni Krystal.
Sa comment section ay mababasa ang pagbati ng ilang mga taga-showbiz.
“Omygahd. Congratulations!!!! God bless your family, JM!!!” pagbati ni Bea Binene kina Krystal at Lawrence.
Sabi ng isang fan, “Congratulations and best wishes.”
“Congrats, Krystal and hubby!” sey naman ni Aubrey Carampel
Matatandaang noong March 2024 nang mag-propose sa kanya ang non-showbiz boyfriend habang sila ay nasa Basco, Batanes.
Si Krystal o si Jolina Marie Bautista Reyes sa totoong buhay, ay nakilala sa kanyang pagganap bilang batang Krystal sa 2006 hit Kapuso drama series na “Bakekang”.
Congratulations and best wishes, love birds!