Brokenhearted camper sinapak ng staff dahil sa pagmumura

Brokenhearted camper sinapak ng staff dahil sa pagmumura

Therese Arceo - February 13, 2025 - 06:29 PM

Brokenhearted camper sinapak ng staff dahil sa pagmumura

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang umano’y pananapak ng isang Rizal campsite staff sa isang brokenhearted camper na nagmura sa bundok para maglabas ng sama ng loob sa kanyang ex-dyowa.

Sa Facebook post ng netizen na si Don Na, mapapanood ang video ng insidente kung saan nasapak ng staff ang kanyang kaibigan habang pinapaalis sila sa campsite sa Tanay, Rizal.

“Sige, labas! Labas lahat. Uwi!” sabi ng staff maririnig na sabi ng staff sa camper.

Sabi naman ng brokenhearted camper, “Sumigaw lang po kami sa bundok.”

Baka Bet Mo: Viral bardagulan nina Boobay at Karen sa Extra Challenge totohanan

“Mali, mali… nagmumura ka eh,” pagdidiin ng staff.

“Sino pong minumura ko?” takang tanong ng broken camper.

“Pu******* sinong mimumura mo rito?” sagot pabalik ng staff.

“Yung bundok,” sagot ng camper at saka siya sinapak ng staff sa mukha.

Nag-explain naman ang mga kasama ng brokenhearted camper na naglalabas lang ang kanilang kasamahan ng sama ng loob sa bundok at walang intensyon na murahin ang mga nakatira doon.

Ngunit gumanti na rin ang nasapak ang brokenhearted camper sa staff at minura na ito nang tuluyan.

“Nagbayad ako rito para sumigaw sa bundok na ‘yan kasi may problema ako, tapos susuntukin mo ako?” saad niya.

Matapos ang insidente ay nagsumbong ang brokenhearted camper sa barangay at pulisya para i-report ang pangyayari.

Sa naging ulat ng Frontline Pilipinas, sinabi ni Dawn Sao na kasama nito ang mga kaibigan niyang nagpunta sa camp. Brokenhearted daw siya at medyo nakainom ng alak ngunit taliwas sa pag-aakala ng staff, hindi niya ito minura.

“No’ng nagmumura po ako nagbibigay po ako ng pangalan, yun nga po yung sa ex ko po yun,” saad niya.

Dahil raw sa pananapak ng staff sa kanya ay nagkaroon siya ng sugat at dumugo rin ang kanyang ngipin.

“Broken na ako lalo pa akong na-broken. Para akong na-double kill,” sey pa ng camper.

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang Rainbow 89 Ecopark Camping and Trekking Management hinggil sa naturang insidente.

Kasalukuyang nakakulong na raw ang naturang staff at ongoing pa rin ang kanilang imbestigasyon sa nangyari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kami po ay humihingi ng paunawa at paumanhin sa nangyaring insidente kasangkot ang isa sa aming staff at guest. Sa kasalukuyan ay nakakulong po ang staff na nabanggit at under investigation ang nangyaring insidente.

“Humihingi kami ng paunawa sapagkat yung nagawa po ng isang staff ay hindi po nangangahulugang magagawa na ng lahat ng staff ng campsite. Ang [pang-unawa] pong hinihiling namin ay para sa iba pang staff na maayos pong nagtatrabaho at nabubuhay sa campsite na ito,” saad ng management ng campsite.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending