Sam Pinto isinugod ang asawa sa ospital dahil sa dengue

Sam Pinto isinugod ang asawa sa ospital dahil sa dengue

HINDI masyadong maganda ang naging bakasyon ng aktres na si Sam Pinto kasama ang kanyang pamilya nang bisitahin nila ang bansang Japan.

Ito ay dahil hindi pa man sila nagtatagal sa lugar ay nagkasakit at tuluyang dinala sa ospital ang asawang si Anthony Semerad.

Sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi ni Sam ang pagkakasakit ng asawa dahil sa dengue na nakuha niya habang nasa Maynila pa.

“I appreciate everyone’s concern. Anthony has been unwell since our second day here (Feb. 5).

Baka Bet Mo: Sam Pinto never naisip na magkakapamilya: ‘I was happy being alone, but…’

“He had a very high fever ranging from 39 to 40 degrees, along with chills, headaches, joint pain, a loss of appetite, and nausea,” pagbabahagi ni Sam.

Na-examine naman ng doktor ang kanyang asawa at nag-test para sa COVID-19 at influenza ngunit parehas itong negative.

Sa kabila nga ng pagte-take ng asawa ni Sam ng gamot ay patuloy pa ring lumala ang lagay nito.

“We contacted the doctor again, who prescribed antibiotics. Sadly, his situation continued to decline, leading us to call an ambulance for transport to the hospital.

“Since it was a Sunday, most hospitals were closed, and only a few were accepting patients. Eventually, the ambulance took him to a facility that could admit him,” pagpapatuloy pa ni Sam.

Sumailalim na rin ang asawa niya sa blood test at IV treatment kung saan nila napag-alaman na “extremely low” ang kanyang white blood cells at platelets.

Lahad ni Sam, “The doctors here were unsure of the diagnosis, so they sent his results to his team doctor, who confirmed it was Dengue Fever.

“They provided medication for his headache and nausea, but instructed us to return to the hotel and allow him to rest. He got Dengue from Manila. [Four to seven] incubation days, and his immune system is so low from the games, flying, traveling, hot to cold weather,” lahad ni Sam.

Chika pa niya,maging ang recent blood tests ay “very low platelets” pa rin ang resulta nito.

Ibinahagi rin ni Sam na kinakailangan niyang alagaan ang asawa mag-isa habang binabantauan rin ang kanilang anak na si Mia.

Para sa mga hindi nakakaalam, nagpakasal sina Sam at Anthony noong March 2021, isang intimate ceremony.

September 2021 naman nang ipanganak at i-welcome nila ang panganay nilang si Mia.

Read more...