Wowie sa pagpanaw ni UMD Norman Santos: Pasensya ka na

Wowie sa pagpanaw ng UMD member na si Norman Santos: Pasensya ka na…

Ervin Santiago - February 06, 2025 - 09:15 AM

Wowie sa pagpanaw ng UMD member na si Norman Santos: Pasensya ka na...

Norman Santos at Wowie de Guzman

NAGLULUKSA ngayon ang actor-dancer na si Wowie de Guzman sa pagkamatay ng kanyang kaibigan at dating kasamahan sa Universal Motion Dancers (UMD) na si Norman Santos.

Basag ang puso ni Wowie nang makarating sa kanya ang malungkot na balita hinggil sa pagpanaw ni Norman matapos makipaglaban sa kanyang karamdaman na may kaugnayan sa kidney.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, nagbahagi si Wowie ng ilang litrato kasama ang dati niyang mga kagrupo kalakip ang kanyang madamdamin at tagos sa pusong mensahe para kay Norman.

Aniya sa caption, “UTOL….mahal na mahal ka namin. Hindi man naging maayos ang pagsasama ng grupo sa huli at the end of the day magkakapatid tayo.

Baka Bet Mo: Wowie dumaan din sa matinding pagsubok, depresyon: Pinatibay na ako ng mga past experience ko

“Wala akong ibang hangad kundi kabutihan nating lahat…pasensya ka na sa mga pagkukulang ko sayo Man.

“Mahal na mahal ka namin…hindi ko mararating ang kinalalagyan ko ngayon kung hindi dahil sayo…


“We love you Norman Santos UMD for Life…kitakits tayo nila Gerald sa finals ng buhay ko,” ang kabuuang post ni Wowie.

Ang tinutukoy ng aktor at dancer na Gerald ay si Gerard Faisan, na dati rin nilang kasamahan sa UMD. Pumanaw siya noong 1997 sa edad na 23.

Nauna rito, kinumpirma ng partner ni  Norman na si Chato Maria ang kanyang pagpanaw sa pamamagitan ng Facebook.

“It is with great sadness that I announce the passing of Norman Santos on February 3, 2025, after a prolonged fight against kidney failure, necessitating dialysis for over 12 years.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“TENTATIVE Viewing will take place from February 12 to 16 @St Peter Memorial Chapel in Tabacuhan, Olongapo City,” ang buong caption ni Chato sa kanyang Facebook post, kalakip ang litrato ni Norman.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending