Kumain at tumulong

Mahigit isang linggo na ang nakalipas nang sinalanta ng bagyong Yolanda ang Visayas. Alam na nating lahat kung anong uring pinsala ang natamo ng mga lalawigan ng Leyte, Samar, Capiz at Iloilo.

Salamat sa mga netizens at sa mga social media sites tulad ng FaceBook, Twitter at Google, naging aktibo ang lahat sa pagpapahayag ng mga mahahalagang balita.

Kasama rin siyempre ang pagbatikos at pagpuna ng karamihan sa mabagal na pag-usad ng tulong mula sa pamahalaan.
May nakakatawang post sa FaceBook ang isang netizen na nagsabing: “Kung mabagal ang gobyerno, e di tulungan mo.

Magaling ka naman pala! Kung bobo ang gobyerno, e di turuan mo. Matalino ka naman pala!” Swak na sawak ang pahayag niya! Kaya, kesa magreklamo tayo ay gumawa nalang tayo ng paraan upang makatulong sa mga nasalanta ng dilubyo.

Tulong-tulong para sa Pilipinas
ANG social media sites tulad ng Facebook ay isang makapangyarihang kasangkapan na maaaring gamitin sa pagpapahahag, pagkilos at dagliang pagtulong.

Isa sa mga netizens na gumamit ng Facebook upang magbahagi ng tulong ay si Amy Besa, cookbook author, restaurateur at chair ng Ang Sariling Atin.

Hinikayat niya ang kanyang mga kaibigang may-ari ng mga restaurant at mga chefs na magsagawa ng mga fund-raising dinners sa Metro Manila.

Ang unang tumugon  ay sina Andrew at Sandee Masigan ng Visayan Room ng XO46 kung saan ay mag-aalay sila ng isang Visayan-themed dinner ngayong gabi.

Sa halagang P1,500 ay matitikman mo ang mga likhang lutuin nina Chef Ramon Antonio at Chef Tanya Dizon.
Para sa pica-pica: inun-unan na estilong-Bisayang boquerones o talong na niluto sa suka at bawang, at ngo hiong o rebosadong ubod at singkamas.

Para sa appetizer: ensaladang bihud o ginisang itlog ng isda sa olive oil, kamatis at sibuyas na isinahog sa gulay.
Para sa main course: nilarang, isang lutuing Cebuano na sabaw ng isda na pinaasim ng kamatis at kamias  at humba at puso o anisadong liempo na mabagal na niluto sa toyo na may bulaklak ng saging at saging na saba.

Kasama nito ay kanin na niluto sa gata na binalot sa dahon ng saging. At para sa dessert: mangga puto ug landing o matamis na mangang hinog na may binilog na malagkit, tapioca at sinabawan ng gata; ensaimada na may halayang ube na handog ni Pearl M. De Guzman ng Baby Pat’s Bake shop; chocolate mula sa Risa Chocolate, at mga wines mula sa Barcino.

Sa darating na Miyerkoles naman ay maghahandog  ng benefit-dinner ang Culinary Historians of the Philippines (CHOP) at Ang Sariling Atin Culinary Heritage Institute (ASA) sa tahanan ng Embahador ng Suiza, ang kagalang-galang na Ivo Sieber, at ang kanyang kabiyak, si Gng. Gracita Tolentino Sieber.

Bukod sa mga naimbitang chefs tulad nila JJ Yulo, Erwin Lizarondo, Alvin Lim, Gretchen C. Lim, at Namee Jorolan-Sunico ay magkakaroon din ng mga tagapagsalita tungkol sa climate change, food security at updates tungkol sa relief work ng bansang Suiza sa Kabisayaan.

Ang minimun na kontribusyon ay P1,500 at ang lahat ng malilikom ay gagamitin sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo sa pamamagitan ng Aid Line Philippine-Swiss (ALPS), ang sangay ng corporate social responsibility ng kapisanan ng mga Suizo at Pilipinong negosyante, na nagbibigay ng tulong sa mga Pilipino sa oras ng krisis.

Ito ay kaakibat ng Philippine-Swiss Business Council (PSBC), isang konseho sa ilalim ng pagtangkilik ng Philippine Chamber of Commerce at Industry (PCCI).

Hindi lamang sa Metro Manila nagaganap ang mga fund-raising dinners. Sa Pampanga ay mayroong  Mangan Ku, Saup Ku (I will eat, I will help) na inorganisa naman ni Poch Jorolan  na gaganapin sa susunod na Sabado sa The Glass House, Promenade  King’s Royale Hotel, San Fernando, Pampanga.

Muli, 100 porsyento ng malilikom ay mapupunta sa mga biktima ng bagyo sa pamamagitan ng San Antonio Parish, Makati at Angel Brigade.

Isang malaking pasasalamat sa mga nasa likod ng Tulong-tulong para sa Pilipinas at sa mga netizens sa FB tulad nila Tricia Tensuan ng Enderun College at mga chefs, Allen Juico Buhay ng Wildflour Cafe + Bakery, Ginny Roces de Guzman ng Gustare, Pia Lim Castillo, Regina Tolentino Newport at Margaux Salcedo.

(Editor: May tanong, reaksyon o komento ka ba sa artikulong ito?
May nais ba kayong ipasulat o ipatalakay sa Bandera?  I-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374.)

Odong
ANG Odong ay isang sopas na ulam na may sangkap na de-latang sardinas sa tomato sauce, bami (kilala bilang odong), at may sahog na gulay gaya ng patola at upo. Ito ay isang budget na ulam na madaling lutuin sa oras ng krisis.

Ang odong noodles mabibili sa mga supermarket ng Metro Manila, at mabibili ito nang tingi sa mga tindahan at sari-sari stores sa Visayas at Mindanao.

Maaari ring gamitin ang instant noodles at sardinas na karaniwang kasama ng mga relief goods. Ang ulam na ito ay karaniwang kinakain kasama ang kanin kahit pa may mayroon na itong noodles.

Ang bawang ay magdaragdag ng sarap at magbabalanse sa lansa ng sardinas. Ang resiping ito, mula sa foodblogger na si Vanjo Merano ng panlasangpinoy.com, ay para sa apat na katao.

Ingredients
3 ounces odong noodles
3 cans (5.5 oz.) spicy sardines in tomato sauce
1 cup sliced upo or patola
1 cup water
3 cloves garlic, crushed
1 small yellow onion, sliced
2 tablespoons cooking oil
salt and pepper to taste

Procedure
Heat oil in a cooking pot.
Saute the garlic and onion when the oil becomes hot. Cook until the onion is soft.
Put in sliced upo or patola. Cook for 1 minute.
Add the sardines including the sauce, add water and boil for 2 minutes.
Put-in the noodles. Cook for for 5 to 8 minutes or until the noodles are done.
Add salt and pepper to taste. Stir.
Transfer to a serving bowl.
Serve with rice. Share and enjoy!

Read more...