Vice sure nang hindi magiging judge ng PGT, Angel 'MIA' pa rin

Vice sure na raw na hindi na magiging judge ng PGT, Angel ‘MIA’ pa rin

Reggee Bonoan - February 05, 2025 - 10:13 AM

Vice sure na raw na hindi na magiging judge ng PGT, Angel 'MIA' pa rin

Angel Locsin at Vice Ganda

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kahapon tungkol sa balita ng content creator-talent manager na si Ogie Diaz sa vlog nila nina Mama Loi at Tita Jegs tungkol kay Vice Ganda.

Nabanggit ni Ogie na tila babalik ang programang “Gandang Gabi Vice” kaya umayaw na si Vice bilang isa sa hurado ng reality show na “Pilipinas Got Talent” na may pa-audition na ngayong Linggo, Pebrero 9 sa Albuera Municipal Gym, Albuera, Leyte, 9 a.m. hanggang 5 p.m..

Nakuha namin ang detalye ng audition sa PGT Facebook account na pang-apat na beses na sa Linggo ang audition dahil nauna na itong nagpa-audition noong Disyembre 14, Enero 19 at 25 sa ABS-CBN Center Road.

Anyway, totoo nga na hindi na ka-join si Vice sa “PGT” sabi ng aming kausap pero wala namang binanggit kung ibabalik ang “GGV” dahil wala naman daw napag-uusapan tungkol dito.

Baka Bet Mo: GGV ni Vice ibabalik ng ABS-CBN; Angel Locsin magiging judge uli sa PGT?

“Tanda mo ‘yung pagkakasabi naman nina Ogie at Mama Loi ay patanong din dahil nga nag-post si Meme Vice sa X account niya kung sino ang may gustong ibalik ang GGV, e, maraming may gusto, so baka survey pa lang.

“Alam mo naman pag maraming may gusto, saka ito pag-uusapan sa loob tapos si Vice naman ang isa sa creatives at may say siya sa management kaya possible ang GGV, pero as we speak, wala pang usapan,” paliwanag ng aming kausap.


Tinanong din namin kung sino na ang mga hurado sa “Pilipinas Got Talent” pero hindi kami sinagot. Pero ang sure na kasama raw ay si Mr. Freddie M. Garcia o FMG kung tawagin ng lahat at wala rin ang pangalan ni Angel Locsin sa line-up.

Sa madaling salita hindi pa rin mapapanood si ‘Gel sa telebisyon kaya ang tanong din ng aming kausap, “Hanggang kelan kaya hindi magpapakita si Angel?”

“MIA” o missing in action pa rin si Angel sa mundo ng showbiz kaya naman miss na miss na siya ng mga fans na mapanood uli sa TV at pelikula.

Wala pa ring sinabi kung sino ang host at sure kami na hindi na kasama si Luis Manzano sa posibleng host ng “PGT” dahil kakandidato siyang Bise Gobernador ng Lipa Batangas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Malalaman naman daw kung sino ang hosts at hurado isa sa mga araw na ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending