Vice Ganda alagang-alaga ang ina: Mas magiging maligaya pa kaming dalawa

Vice Ganda, Joey Marcelo at Rosario Viceral
EMOSYONAL ang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda nang mapag-usapan ang kanyang pinakamamahal na inang si Rosario Viceral.
Isa sa pinakabonggang inspirasyon ng TV host-comedian ang kanyang nanay at talaga raw mas nag-e-effort siya ngayon para makapaglaan ng quality time with her mother dear.
Tinawag ni Vice na “love of her life” si Nanay Rosario na 79 years old na ngayon. Nagpapasalamat ang komedyante na sa edad ng kanyang nanay ay maayos pa rin ang kalusugan nito.
“Siya ang nagbibigay sa akin ng paniniwala na mas hahaba pa ang pagkakataon namin na magkasama at mas magiging maligaya pa kaming dalawa,” pahayag ni Vice.
Nakachikahan ng mga miyembro ng entertainment media si Vice nang pormal siyang ipakilala bilang pinakabagong mukha ng Santé Barley International last Sunday, February 2.
Baka Bet Mo: Wish ng nanay ni Vice: Sana magka-baby ka para may tagapagmana ng naipundar mo
Hindi lang daw ang kalusugan niya ang kanyang inaalagaan kundi pati na rin ang mga mahal niya sa buhay, lalo na ang health condition ng kanyang nanay.
Talaga raw kinakarir niya ngayon ang kanilang regular health check-up, self-care, at ang pagme-maintain ng positive mindset.
View this post on Instagram
“I’ve always believed that health is the foundation of everything. I stay active and energized because I take care of my body, and Santé Barley has been a big part of that.
“I’m so excited to share with everyone how it helped me live for more — not just in my career but in all areas of my life,” ang sey ni Vice
Binuo ng Santé International ang reputasyon nito bilang isang pinagkakatiwalaan na pangalan sa larangan ng health and wellness.
Sa misyon nitong makatulong sa mga tao na mamuhay ng mas maganda, naghahain ang naturang brand ng mga natural na health solutions na pinag-sasama ang siyensya at nature.
Dahil sa magandang reputasyon nito, tama lang na makipagsanib-puwersa sila kay Vice Ganda bilang celebrity ambassador.
Dahil sa kanyang tagumpay sa live concerts at comedy, pelikula, musika, telebisyon at sa kanyang mga adbokasiya, patuloy na namamayagpag si Vice sa pag-inspire sa mga Pinoy na unahin ang kalusugan — sapagkat ito ang kanyang sikreto kung bakit siya nasa tugatog ng kasikatan ay tagumpay.
Talaga namang ibang klase ang paglipad ng karera ng Unkabogable Box-Office Superstar, lalo na sa mga nakaraan niyang accomplishments na pinapakita ang kanyang pagmamahal sa kanyang trabaho.
Noong 2023, nanalo ang kanyang game show na “Everybody, Sing!” bilang Best Asian Original Game Show sa Content Asia Awards — patunay na ito ay innovative at groundbreaking na programa na mahal ng mga manonood sa Asian region.
Noong Oktubre 2024, kinilala si Vice bilang isang Bahaghari Champion sa Bahaghari Awards dahil isa siyang role model sa kumunidad ng LGBTQIA+, kaya naman highlighted ang kanyang dedikasyon sa pagamit sa kanyang mga platforms para ipalaganap ang representasyon at empowerment.
Sa akting naman, ginampanan ni Vice ang kanyang unang dramatic role sa 2024 film na “And the Breadwinner Is…,” na idinirek ng award-winning filmmaker na si Jun Lana.
Kakaiba ito sa mga comedy movies ni Vice at umani ito ng glowing reviews mula sa mga fans at industry insiders. Nanalo din si Vice ng Special Jury Citation sa 50th Metro Manila Film Festival nuong Disyembre 2024. Tagumpay din ang pelikula sa takilya dahil P400 million na ang kinita nito nuong Enero 2025, patunay sa lakas ni Vice takilya.
Di lang ito patunay sa talento ni Vice dahil patunay din ito na kailangan din ang malusog na katawan at pagiisip upang maging matagumpay.
Sa lahat ng ito, aminado si Vice na kailangan niya ang kanyang lakas upang maalagaan niya ang sarili niya.
“Kinakatawan ni Vice Ganda kung ano ang Santé Barley: to live life to the fullest while staying proactive about your health,” sabi ni Santé International CEO Joey Marcelo.
“His ability to thrive in all aspects of his career while inspiring others at the same time makes him the perfect partner for our mission of helping Filipinos #LiveForMore,” aniya pa.
Bilang pinakabagong ambassador ng brand, mangunguna si Vice sa kampanya na turuan ang mga Pinoy ukol sa transformative power ng mga produkto.
Mula sa pag-improve ng digestion hanggang sa pag-boost ng immunity at overall vitality, handog ng Santé Barley ang simple ngunit epektibong paraan upang mapagibayo ang kalusugan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.