GGV ni Vice ibabalik ng ABS-CBN; Angel Locsin magiging judge uli sa PGT?

Vice Ganda at Angel Locsin
TRULILI kayang ibabalik ang programa ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na “GGV” (Gandang Gabi Vice) sa ABS-CBN?
Ito ang tsika ni Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama si Tita Jegs na uploaded na sa kanilang YouTube channel ngayon.
“May isang post na pa-blind item na kung totoong tinanggihan ang pagdya-judge sa PGT (Pilipinas Got Talent) ‘yun pala naman kaya tinanggihan ay para maibalik ‘yung dating show,” bungad ni Ogie.
Si Vice ang tinutukoy dahil ibabalik ang reality show na “PGT” kung saan isa ang komedyante sa mga naging hurado noon kasama sina Robin Padilla, Mr. Freddie M. Garcia at Angel Locsin.
Kinumpirma naman ni Ogie, “Si Vice Ganda na hindi na raw magdya-judge sa PGT kasi nga pinaplano na ang pagbabalik ng GGV o Gandang Gabi Vice.
Baka Bet Mo: Vice Ganda umaming nagsawa sa paulit-ulit na guest sa ‘GGV’: ‘Isa yun sa mga rason kaya I decided to sign off’
“Kung mapapansin mo nauuso na ngayon mga interbyuhan baka gustong isabay ng ABS-CBN ‘yun at ito ang in ngayon at funny pa na si Vice Ganda ang mag-i-interview, balik natin ang GGV. Naku ‘no, ang tagal na rin ng GGV,” sabi ni Ogie
Hirit ni Mama Loi, “Saka madalas tinatanong ‘yan ni Meme sa mga post niya na, ‘gusto n’yo na bang magbalik ang GGV?’ May clamor kung baga maraming nagtatanong sa kanya kung kelan magkakaroon ulit.”
Sabi pa ni Ogie, “Saka may mga gimik din kasi ang GGV, di ba? Exciting ‘yan, ako parati kong pinanonood ang GGV.”
View this post on Instagram
Balik-tanong ni Mama Loi, “E, kaso ‘Nay (Ogie), kung magbabalik ang GGV ni Meme, sino kaya ang papalit sa kanya na pangmalakasang judge sa Pilipinas Got Talent?”
Sagot agad ni Ogie, “Malay mo magbabalik si Angel Locsin?”
Napahiyaw sina Mama Loi at Tita Jegs, “Hay! Why not! Pero sino na kaya ang final na judges ‘Nay?”
“Wala pa akong idea diyan pero kung ako tatanungin kapag nagbalik ang PGT, nagbalik din ang isang Angel Locsin,” sambit ni Ogie.
Say ni Mama Loi, “Oo nga, ang gandang pagbabalik (ni Angel).”
“At siyempre kung magkakatotoo man yan, congratulations, Vice! Dasurved ng mga Pilipino ang pagbabalik ng GGV,” saad ni Ogie.
Kung sakaling babalik nga ang “Gandang Gabi Vice” ay araw-araw na ulit mapapanood si Vice ng isang buong linggo dahil mula Lunes hanggang Sabado ang “It’s Showtime” at “Linggo naman” ang “GGV.”
Hirit ni Ogie, “Partida ‘yan wala pang prangkisa.”
Anyway, abangan kung kailan ang pagbabalik ng “GGV” pati na ni Angel Locsin sa telebisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.