Catriona napaluha sa concert ni TJ Monterde, dahil kay Sam?

Catriona biglang napaluha sa concert ni TJ Monterde, dahil kay Sam?

Ervin Santiago - February 04, 2025 - 11:49 AM

Catriona napaluha sa concert ni TJ Monterde, para nga ba kay Sam?

Catriona Gray at Sam Milby

NAPALUHA si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa naganap na concert ng singer-songwriter na si TJ Monterde sa Araneta Coliseum nitong nagdaang Linggo, February 2, 2025.

Nag-watch ang dalaga kasama ang ilan niyang mga friends sa second night ng concert ni TJ titled, “Sarili Nating Mundo.”

Base sa mga napanood naming video sa social media na kuha sa naturang concert mula sa mga netizens, makikita ang pagiging emosyonal ni Catriona habang kinakanta ni TJ ang “Hanggang Dito Na Lang.”

Baka Bet Mo: KZ Tandingan, TJ Monterde muling nagpakasal; sa wakas, nakasama na ang kanilang mga magulang

Kitang-kita ng audience ang pag-iyak ni Cat nang i-flash ito sa LED screen kung saan napasigaw pa ang ilan sa mga nanonood. Narito ang bahagi ng lyrics ng hugot song ni TJ.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Akala ko’y habangbuhay tayo
Akala ko’y hanggang dulo
Kay haba pa ng kalsada
Dito na ba tayo bababa

“Kung ganito na nga ba’ng usapan
Kung dito na ang hangganan
Dapat sigurong iwasan
Ang mga minsang kamustahan

“Mga nakasanayan
Dapat ng kalimutan
Upang di tayo magkasakitan

“Hanggang dito na lang
Hanggang dito na lang
Ikaw ba ang nagbago o ako o tayo
Baka tayo. Hanggang dito na lang.”

Naispatan din sa ikalawang gabi ng concert ni TJ ang ex-fiancé ni Catriona na si Sam Milby. Sa nakita naming video, tatlong upuan lang ang pagitan ng ex-couple sa venue ng concert ng kapwa nila Cornerstone artist.

“Dedma kunwari si Sam pero deep inside nasasaktan din yan na makita si Catriona na umiiyak. Siyempre lalaki yan, hindi magpapakita ng kahinaan.”

“Nakaka sad! Sana magkaroon pa sila ng second chance. Bagay na bagay pa naman sila.

“Parang hindi naman nasight ni Sam ang pag cry ni Cat. Sayang! Ano kayang gagawin niya kung nakita niyang emotional ang dati niyang dyowa.”

“Naiyak din ako para kay Catriona. Feeling ko mahal na mahal pa rin niya si Sam.”

“Ang awkward umiyak, nandiyan yung iniiyakan huhu.”

“Umattend lang ng concert, napa-relapse pa.”

Until now ay hindi pa rin nagsasalita sina Catriona at Sam kung ano ang totoong dahilan ng kanilang breakup. May chikang ang aktor daw ang naging problema dahil hindi pa umano siya handang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya.

May nagsasabi naman na si Catriona ang umayaw umano sa engagement matapos mag-propose si Sam noong February 16, 2023.

Noong February 28, 2024, naglabas ng official statement ang kanilang talent management na Cornerstone Entertainment, hinggil sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

“We at Cornerstone, as the talent management agency representing artists Sam Milby and Catriona Gray, would like to address the recent rumors surrounding their relationship.

“While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together.

“We kindly request that everyone respect their privacy during this time as they navigate through this situation.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We appreciate the concern and well-wishes from all those who have shown support for the couple.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending