'Pepsi' movie hindi tuloy ang pagpapalabas sa sinehan sa Feb. 5

Pepsi Paloma movie hindi tuloy ang pagpapalabas sa sinehan sa Feb. 5

Reggee Bonoan - February 04, 2025 - 07:49 AM

Pepsi Paloma movie hindi tuloy ang pagpapalabas sa sinehan sa Feb. 5

Darryl Yap at Rhed Bustamante

HINDI na tuloy ang February 5 showing ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma“sa mga sinehan dahil hindi pa nakukumpleto ni Direk Darryl Yap ang mga dokumentong hinihingi ng Movie and Television Review and Classification Board.

Inanunsyo mismo ito ni Direk Darryl sa kanyang Facebook account na may kalakip na artcard ng mukha ng namayapang sexy star na si Pepsi Paloma.

Ang official statement ng kontrobersyal na direktor, “Ipinaabot ko po sa lahat ng nakasubaybay na bigo po ang panig ng inyong lingkod na agarang makumpleto ang mga dokumentong hinihingi ng pamunuan ng MTRCB.

“Kaya’t imposible pong maipalabas sa mga sinehan ang ating Pelikula sa February 5.

Baka Bet Mo: Boss Vic tinanggihan ang Pepsi Paloma movie ni Darryl dahil sa TVJ?

“Pinag-iisipan na rin ang posibilidad na maunang maipalabas ito sa labas ng bansa o ipagpaliban na ang pagpapalabas sa sinehan at magpokus na lamang sa streaming platforms.

“Kung anu’t anuman ay agad itong malalaman ng publiko.

“Maraming Salamat po.”

Bukod dito ay may sinabi pa si Direk Darryl, “natanggal man ang tansan, nanatili ang iyong ispiritu.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nabanggit din niya na wala na ring available na playdate ang Pebrero at Marso sa mga sinehan dito sa Pilipinas.

“Puno na rin kasi ang February at March, pero makakahanap lang kami ng available screening dates once ok na ang hinihinging karagdagang documents. Salamat!” sabi ng direktor.

Nauna rito, nag-post din si Direk Darryl ng mensahe sa FB tungkol sa naging desisyon ng MTRCB sa pagpapalabas ng kanyang pelikula na pinamumunuan ni Chairperson Lala Sotto.

Sabi ni Direk Darryl, “Ang nagpaMTRCB po ng pelikula namin ay ang distributor, tinanong ko naman kung tinanggap ang materials, umoo naman.

“10am pa lang nandun na raw sila—after lunch nagpapaupdate ako, may meeting daw na sinet para sa legal, gabi na ng mabasa ko ang letter para sa mga additional requirements na hindi naman hiningi sa mga pelikula ko noon, 16 films din yun.

“Nandun naman ang pelikula ko—hindi ko alam kung napanood nila o hindi— o sige kunwari di pa nila napanood, nandun na eh,” pahayag ng blockbuster director.

Pagpapatulloy niya, “Pag pumunta ka sa MTRCB, natural papareview ka, so sabi ko nung nakapasok na sa portal ng distributor at nandun na sila sa MTRCB, nagpapareview kami o nirereview na.
hindi naman nandun iyon for safekeeping.

“Wala akong intensyon na maging adelantado o pangunahan o magsabi ng mali, pagbibigay ko ng update iyon sa mga nakasubaybay.

“Hindi ako aware sa hinihingi nilang additional, magpapareview lang ako ng pelikula, at bahagi naman ng pagrereview ang paghingi ng requirements… hindi ko alam ano itong pahayag na ito.

“Sa ayaw at sa gusto ng sinuman sa industriya, Pilipino ako at manggagawa ng sining, bahagi ako ng industriyang hindi pagmamay-ari ng kahit na sino.

“Hindi ako kalaban ng kahit na sino kahit pa ang tingin sa akin ay kaaway.

“Wala na kaming pondo para sa mga susunod na hakbang kung di kami maipapalabas sa Feb. 5.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Gnunpaman, nirerespeto ko ang MTRCB, kung hindi pa nila nireview, okay. Pero wag akong gawing sinungaling sa maliit na detalye—Gumawa ako ng pelikula, bahagi yan ng industriya; ng mga karapatan at kalayaang kaakibat nito, Pelikula ko lang ang pinapasuri ko, hindi ang aking pagkatao,” pahayag pa ni Darryl Yap.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending