Misis ambisyosa raw, gusto ng bonggang 1st b-day para sa anak

Misis ambisyosa raw, gusto ng bonggang 1st b-day party para sa anak

Ervin Santiago - February 04, 2025 - 06:15 AM

Misis ambisyosa raw, gusto ng bonggang 1st b-day party para sa anak

Stock Photo

PROBLEMADO ang isang misis tungkol sa magiging selebrasyon ng kaarawan ng panganay na anak nila ng kanyang asawa sa darating na May, 2025.

Inirereklamo kasi niya ang mga Marites nilang mga kamag-anak na siguradong may masasabing hindi maganda kahit ano pang klaseng party ang gawin nila para sa 1st birthday party ng anak

Sa isang Facebook page, nagpahayag ang ginang ng kanyang saloobin about this kasabay ng paghingi ng payo sa mga netizens kung ano ba ang dapat niyang gawin.

“Hi Admin. Pls. hide my identity. Nakapagpost na po ako before and very thankful po ako sa inyo admin. Gusto ko lng maglabas ng nraramdaman.

Baka Bet Mo: Anak ng ginang muntik nang makidnap sa loob ng mall: ‘Iba pala ang pakiramdam bilang magulang ‘pag sa ‘yo nangyare…nanginginig ako sa kaba’

“My daughter will have her 1st birthday on May. Nakapagdecide kami ni hubby na sa Jollibee or Mcdo sya ipagcelebrate kasi nadala kami at nastress sa mga relatives namin nung binyag ng baby ko,” simulang pagbabahagi ng ginang.

Patuloy niya, “3 months na baby ko nung nagpabinyag kami at sa resto kami nag venue. Simpleng lunch lang at wala nmn program. Konti lng ininvite namin kc gusto sna nmin ng tahimik na event at mejo mataas ung price ng per head sa resto.

“May mga relatives kc kami na nagreklamo at sumama ang loob kasi naglimit kmi ng bisita bawat family. Gusto kc lahat aattend eh hindi naman kako family reunion at may mga ka officemate at friends pa kami na invited.

“So aun, madami kami narinig. Kaya decide kami na fastfood nlng sa 1st bday para lahat pwdng pumunta at di ganun kasakit sa bulsa,” lahad ng first-time nanay.

Sa ngayon daw ay nagpaplano na siya para sa first birthday ng anak niya, “Btw, first baby pla nmin ni hubby to and nagresign na ko sa work simula ng manganak na ako.

“As per my computation, around 30-40k ang magagastos nmin pag nag fastfood kmi, while 80-90k nmn if ibobongga nmin ung bday. Ung 80k nmn, swimming party ang bday pra un n din ung outing ng family nmin.

“Alam ko nmn na kung sa pgging practical eh mas makkatipid sa fastfood. Pero prng gusto ko na ibongga ung anak ko kc 1st baby nmin sya. Inopen ko sa hubby ko ung idea and sb nya i check ko dw kung mgkno ung mgagastos.

“Nung cnb ko na, ayaw nya. Kc feeling nya hindi nmn worth it gumastos tpos ang majority ng bisita eh mga relatives nmn na mdmi lging cnsb. Introvert din kc asawa ko kaya ayaw nya ng mlaking event,” pagbabahagi pa niya.

Na-hurt daw siya sa sinabi ng asawa niya pagyayabang lang daw ang gusto niya, “Mabait, sobrang responsable ng asawa ko at walang bisyo. Ayaw lng tlg nya ng malaking gastos. Ang gusto daw nyang pag ipunan at pagkagastusan eh ung 7th bday kc may malay n dw anak nmin nun.

“Pls…enlighten me guys. Naiinis ako s srili ko. Feeling ko tuloy ang ambisyosa ko. Decided nmn n ko before na sa fastfood ung bday.

“Pero ngayon, deep inside gusto ko pla ng mgndang party para s anak ko. Masama b un? Masama ba na gusto ko ng mgndang party pra s anak ko.

“Naisip ko na sana pla hindi ako nag resign sa work. Na sana napag ipunan ko. Ang hirap maging full time mom. Parang wala kang K na mag decide kc hindi ikaw ung nagttrabaho.

“Pasensya na po ang haba. Salamat po sa mga magbibigay ng advise,” ang kabuuang open letter ng ginang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mga ka-BANDERA pasok! Ano nga ba ang maipapayo n’yo sa nanay na ito? Agree ba kayo ba simpleng party na lang para sa 1st birthday at ang ika-7 kaarawan na lang ang kanilang pag-ipunan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending