Jam hindi pa kering patawarin sina Maris-Anthony, self-love ang focus sa 2025

Jam Villanueva, Maris Racal and Anthony Jennings
FOCUS muna sa sarili at sa career.
Ito raw ang goal ni Jam Villanueva ngayong taong 2025 matapos masangkot sa isyu kasama ang ex-boyfriend na si Anthony Jennings at ka-love team nito na si Maris Racal.
“Wala na po akong connection sa mga tao na nasa loob ng isyu and ang plan ko po right now is to just focus sa sarili ko and i-build ‘yung career siguro and ‘yung self-growth ko po talaga,” sey ng dalaga sa naging ulat ng “Balita Pilipinas” kagabi, January 30.
Aminado rin si Jam na hindi pa siyang handang patawarin ang mga taong nanakit sa kanya last year.
“Behind every smiles naman po there’s a story, so hindi naman po porket hindi ako makapagpatawad is hindi na ako pwedeng ngumiti,” bunagd niya.
Baka Bet Mo: Anthony pinagsabay si Maris at Jam? ‘I asked him so many times!’
Giit pa ng dalaga, “And right now, I’m focusing sa sarili ko, I’m moving forward.”
“Moving on is not forgetting the past. It is also about choosing yourself in the present and kung paano mo itatayo ang sarili mo despite ng lahat ng nangyari sa inyo,” mensahe niya para sa mga katulad niyang may pinagdaanan sa buhay pag-ibig.
Nang ma-ambush interview siya ng nasabing news program, ang naging mensahe niya kina Anthony at Maris ay, “I wish them well, ‘yun naman po talaga.”
Magugunitang naging maingay muli ang pangalan ni Jam matapos bumandera sa Edsa ang napakalaking billboard niya bilang brand ambassador at endorser kasabay ng selebrasyon ng Chinese New Year noong January 29.
Inamin ni Jam na kahit siya ay nagulat: “Wala pa talaga akong name in the industry, so nakaka-shock din na first endorsement tapos pak billboard agad.”
Nang tanungin siya kung may balak siyang pasukin ang showbiz, ang sagot niya, “Parang hindi pa rin po siya pasok sa values ko rin po eh.”
“Kasi parang –I don’t know kung halata pero very soft person din po kasi ako. Parang feeling ko, hindi kakayanin ng mental health ko na pumasok sa industry na ganun,” paliwanag niya.
Kung matatandaan, nakilala si Jam matapos ibunyag ang panloloko umano sa kanya ng kanyang ex-dyowang si Anthony at ka-loveteam nitong si Maris noong December last year.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.