Maymay slay na slay sa US magazine: I’ll never forget how special this is!

Maymay slay na slay sa US magazine: I’ll never forget how special this is!

PHOTO: Instagram/@maymay

KABOG ang latest social media post ng aktres na si Maymay Entrata!

Ibinandera niya kasi sa Instagram na na-feature siya sa US magazine na A BOOK OF.

Proud na ibinida ni Maymay ang ilang posts ng naging magazine shoot niya, kabilang na riyan ang ilang pasabog na looks kung saan nakasuot siya ng strapless feather dress, black deep V dress at statement pieces.

“This has honestly been the most fun and fulfilling shoot I’ve had in such a long time!” bungad niya sa IG.

Patuloy ng aktres, “I’m incredibly grateful for the opportunity to be a part of this magazine.”

Baka Bet Mo: Maymay Entrata ‘focus’ muna sa pagiging singer: ‘Singing na ‘yung priority ko talaga…’

“It’s truly an honor to work with a talented and creative production team po talaga. This is my very first magazine feature in the USA, so I will never forget how special this experience has been po,” dagdag pa niya.

Aniya pa, “To everyone who made it possible, thank you so much!”

Sa comment section, tuwang-tuwa at very proud ang maraming fans kay Maymay.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“OMGG MAY MAYY SLAYYYY [fire emojis]”

“INTERNATIONAL SUPERMODEL KA NA IDOL!!! [smiling face with heart eyes, clapping hands emojis]”

“ganda as always!”

“WOOOOWWW [fire emojis]”

“Always slay our amakabogera queen @maymay [fire emojis]”

Sa nasabing feature magazine, makikita ang titulong “Maymay is a dream in motion” kung saan chinika niya ang tungkol sa kanyang pagiging aktres, model at singer-songwriter, pati na rin ang kanyang kasikatan internationally.

Hindi ito ang unang beses na tumampok sa isang international platform si Maymay.

Kung matatandaan, naging cover na siya ng Dubai-based luxury fashion magazine noong 2019, rumampa na rin siya sa ilang fashion shows sa Paris Fashion Week noong 2014, at naging tampok sa “It Goes to 11” series ng Grammy’s ng parehong taon.

Read more...