Bulls pinalasap sa Pacers ang unang kabiguan sa season

CHICAGO — Umiskor ng 23 puntos si Luol Deng  at nagdagdag ng 20 puntos si Derrick Rose para pangunahan ang Chicago Bulls sa 110-94 panalo kontra sa nangungunang Indiana Pacers kahapon sa NBA.

Ito ang unang kabiguan para sa Indiana na binuksan ang season ng siyam na diretsong panalo.

Si Taj Gibson ay nag-ambag naman ng 15 puntos at walong rebounds para sa Chicago.

Si Rose, na hindi naglaro sa laban ng Bulls kontra Toronto Raptors noong Sabado dahil sa hamstring injury, ay tumira rin ng 6-of-11 mula sa three-point area. Sa kabuuan ang Bulls ay may 11-of-19 shooting mula sa tres.

Si Roy Hibbert ay may  14 puntos at 10 rebounds para sa Pacers. Si Paul George, na may average na 24.6 points per game papasok sa larong ito, ay nalimita sa 12 puntos kahapon.

Heat 97, Bobcats 81
Sa Charlotte, gumawa ng 30 puntos si LeBron James para tulungang biguin ng kulang sa taong Miami Heat ang Charlotte Bobcats sa ika-13 diretsong pagkakataon.

Hindi nakapaglaro si  Mario Chalmers matapos na suspindihin ng liga. Wala rin si Ray Allen dahil sa trangkaso. Di naman gaanong nagamit ng Heat si Chris Bosh dahil sa foul trouble at off-night sa opensa si Dwyane Wade.

Pero hindi ito naging problema sa Heat dahil inako ni James ang laban para sa Miami.

Si Kemba Walker ay may  22 puntos para sa Bobcats.

Read more...