NAGSALITA na si Alden Richards kung bakit bigla siyang tumahimik at hindi nagparamdam sa social media.
Nagluluksa kasi siya sa pagpanaw ng kanyang lolo dalawang linggo na ang nakaraan, ayon sa naging interview ng “24 Oras.”
“[I need to] Drop everything,” bungad niya sa panayam.
Ayon sa kanya, dahil sa pagkawala ng kanyang lolo ay mas na-realize niya ang kahalagahan ng pamilya.
“Walang makakapigil sakin kahit sino when it comes to family if something goes wrong or something happens,” sey niya.
Baka Bet Mo: Kathryn nakipaglaplapan kay Alden na never ginawa kay Daniel
Patuloy pa ng aktor, “Of course, we live in a very demanding world of showbizness, but iba kasi ‘yung usapan kapag pamilya na e. Of course, a lot of people and a lot of kababayan can relate to that.”
Kamakailan lang, naging hot topic si Alden at ang on-screen partner nito na si Kathryn Bernardo sa isang episode ng “Showbiz Now Na” ni Cristy Fermin, kasama ang co-hosts na sina Romel Chika at Wendell Alvarez.
May kumakalat kasing chika na tila may pagbabago sa relasyon ng magka-love team na kung saan ay di na raw ganoon ka-close umano sina Kathryn at Alden kagaya ng dati.
Matatandaan nitong nagdaang taon lang ay grabe ang ingay ng pangalan ng dalawa, lalo na ‘nung inanunsyo ng aktres ang paghihiwalay nila ng kanyang longtime boyfriend na si Daniel Padilla.
“Sinasabi nagdededmahan na lang daw si Alden Richards at tsaka si Kathryn Bernardo. Ni hindi nga raw binati ni Kathryn si Alden noong nag-birthday,” saad ni Cristy.
Pero nilinaw ng batikang kolumnista na hindi niya alam ang tunay na nangyari at baka naman daw ay nag-uusap sa personal ang dalawa.
Matatandaang nitong 2024 lang nang muling nagtambal sina Kathryn at Alden para gawin ang sequel na “Hello, Love, Again.”
At dahil nga maraming fans na nag-aabang ay talaga namang pumalo sa takilya ang kanilang bagong pelikula at kumita ng P1.4 billion.