KINILALA ang galing sa pag-arte ng dalawang Kapamilya actress na sina Maris Racal at Kaila Estrada sa naganap na 2024 Tag Victorious Awards sa Chicago, USA.
Sa naging Facebook post ng isa sa mga production units ng ABS-CBN na Star Creatives, makikita ang kanilang congratulatory message para sa naging paragal ng dalawang aktres.
Sina Maris at Kaila ay gumanap sa teleseryeng “Can’t Buy Me Love” bilang mga kapatid ng bidang si Belle Mariano.
Ka-partner naman ni Belle sa teleserye ang aktor na si Donny Pangilinan.
Baka Bet Mo: Agot Isidro super proud kina Maris Racal at Kaila Estrada: Love them forever!
At dahil nga sa mahusay na pagganap ni Maris bilang si Irene Tiu ay nasungkit niya ang Best Supporting Actress award sa naturang award giving body.
Kinilala rin ang galing ng aktres na si Kaila Estrada sa kanyang mahusay na pagganap sa “Linlang” bilang si Sylvia.
Sina Maris at Kaila ay magkasama ngayon sa teleserye na “Incognito”.
Kasama rin nila sa naturang teleserye sina Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Ian Veneracion, at Abthony Jennings.
Matatandaang kamakailan ay naging maingay ang pangalan ni Maris matapos masangkot sa cheating controversy kasama ang ka-love team na si Anthony Jennings.
Mismong ex-girlfriend ng aktor na si Jam Villanueva ang naglabas ng screenshot ng kanilang intimate conversation.
Samantala, naglabas naman si Maris ng kanyang latest single na “Perpektong Tao” na hango sa kanyang recent controversy na kinasangkutan.