HIYANG-HIYA rin ang Kapuso seasoned actress na si Jean Garcia kapag tinatawag siyang “Sampal Queen” dahil sa mga iconic sampalan scenes na ginawa niya sa mga teleserye at pelikula.
Sa katunayan, speechless siya at hindi alam ang magiging reaksyon kapag may mga kapwa siya artista na nagsasabing isang karangalan ang masampal ng “The Jean Garcia.”
“Siyempre, ako, nahihiya din ako, di ba? Kumbaga trabaho lang din naman, wala namang personalan. Pinapagawa lang din sa amin,” ang chika ni Jean sa panayam ng GMA.
Nagpaliwanag naman ang award-winning actress tungkol sa “safe na pagsampal” para makaiwas sa anumang aksidente o sakitan sa shooting. Conscious naman daw siya sa mararamdaman ng kanyang mga kaeksena.
“’Yung pisngi lang talaga, hindi tatamaan dito sa jaw, ‘wag tamaan sa ears ganyan kasi ‘yun yung masakit. Dapat ano lang talaga, lapat talaga sa pisngi,” lahad ni Jean.
Sinisiguro rin ng aktres ang pagsunod sa lahat ng utos at instructions ng kanilang direktor at talagang kinakausap muna niya ang mga kaeksena niya bago sumalang sa harap ng mga camera.
“Para lang safe for both of us, lalo na dun sa sasampalin,” Jean said. “I make sure naman na safe at tsaka hindi delikado. Tapos ilag talaga,” aniya pa.
Natatawang pag-amin pa ni Jean, “sinusuhulan” niya ng lafang ang mga artistang nasasampal niya sa shooting. Siya rin ang personal na nagre-request sa production staff na laging maghanda ng yelo sa set.
“Para lang makabawi, kasi nasaktan kita,” ang sinasabi raw niya sa mga kaeksena niya sa sampalan scenes.
Matatandaang sa isang interview ay mismong ang aktres at dating beauty queen na si Rabiya Mateo ang nagsabing gustung-gusto niyang magpasampal kay Jean at kahit si Bea Alonzo ay nagsabing na-miss niya ang “intensity nung sampal ni Miss Jean.”
Nag-post din noon ang Kapuso actor na si Juancho Triviño na isang video kung saan ibinandera niya ang pagsampal sa kanya ni Jean Garcia.